By: Mark
Anthony Pispis
(North Cotabato/ April 23, 2015) ---Hindi
naniniwala ang Department of Education o DepEd North Cotabato Division na magkakaroon ng problema sa
mga guro na nagtuturo sa mga Higher Education Institution bunga ng patuloy na
pagpapatupad ng K-12.
Ayon North Cotabato Schools Division
Superintendent Omar Obas sa panayam ng DXVL, maari naman umanong mag-offer ng
Senior High School ang mga Unibersidad at mga Kolehiyo sa lalawigan.
Sa katunayan aniya ay mayroon ng
Private College Institution sa probinsiya ang mag o-offer nito kagaya ng Notre
Dame of Midsayap College at Southern Christian College sa bayan ng Midsayap sa
darating na School Year 2016-2017.
Kaugnay naman ng empleyo, nakipagkasundo
na ang DepEd sa mga business organizations, lokal at dayuhang chamber of
commerce and industries upang ikonsidera ang mga graduates ng K+12 sa posibleng
trabaho, wika pa ni Obas
Aniya, magkakaroon din ng matching ng
kinakailangang trabaho at natapos upang masiguro na mabibigyan ang mga
mag-aaral ng nararapat na trabaho base sa kanilang kakayahan, maliban pa doon
sa mga gusting magpatuloy sa kolehiyo.
Samantala, nananawagan naman ang
opisyal sa mga mamamayan ng lalawigan na suportahan ang programang K-12.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento