Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bingi’t Pipi na Suspek sa pagpatay sa 6-anyos na bata sa Matalam, North Cotabato; arestado

(Matalam, North Cotabato/ February 19, 2014) ---Brutal na pinatay ang 6-anyos na nene matapos itong saksakin ay nilunod pa ng 26-anyos na bingi’t pipi  sa Barangay Sta. Maria, bayan ng Matalam, North Cotabato kamakalawa ng hapon. 

Ayon kay P/Chief Ispector Elias Diosmo Colonia, hepe ng Matalam PNP,  ipinagbigay-alam ni Councilor Rolando Monesa ang naganap na krimen sa Purok Pagkakaisa sa nasabing barangay.

Dating iskolars ng PDAF hinikayat na makipag-ugnayan sa tanggapan ni Rep. Jesus Sacdalan

Written by: Rhoderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ February 18, 2014) ---Hinihikayat ng tanggapan ni Rep. Jesus Sacdalan ang mga dating benepisyaryo ng PDAF Scholarship Program na makipag-ugnayan sa district office ng kongresista.

Ito ay upang talakayin ang nasabing scholarship at iba pang posibleng paraan upang maipagpatuloy ang suporta sa pag-aaral ng mga dating PDAF scholars.

Pagkakaisa susi sa pagkakapanalo ng Brgy. Damawato, Tulunan sa DOH –NSBBSP – ayon kay Mayor Lani Candolada

Written by: Jimmy Santacruz

DAMAWATO, Tulunan (Feb. 18) – Iisa lang ang susi sa pagkakapanalo ng Barangay Damawato sa Tulunan, Cotabato bilang national champion sa Dept. of Health- National Search for Barangay with Best Sanitation Practices noong Dec. 5, 2013 at ito ay ang pagkakaisa ng mga tao doon.

Ito ang sinabi ni Tulunan Mayor Lani Candolada matapos na dumalo siya sa awarding ng DOH-NSBBSP sa Traders Hotel sa Pasay City noong nakaraang lingo lamang.

2 drug couriers, arestado sa isinagawang highway check ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ February 18, 2014) ---Arestado ang dalawang mga lalaking tulak droga makaraang ma-intercept ang mga ito sa isinagawang highway check ng mga elemento ng kapulisan sa Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 12:25 ng medaling araw kanina.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina Joeber Aribal, 3, kasado at Richard Magallon, 24, binata kapwa residente ng Poblacion, Carmen.

Pagre-rerenew ng prangkisa ng mga tricyle sa Kabacan, hanggang katapusan ng buwan na lamang

(Kabacan, North Cotabato/ February 18, 2014) ---Hanggang sa katapusan ng buwan na lamang ng Pebrero ang ibinigay na palugit sa mga tricycle operators dito sa bayan upang i-renew ang prangkisa ng kanilang mga tricycles.

Ito ay batay sa Resolusyon Bilang 2014-025  na inilabas ng Sanguniang Bayan ng Kabacan.

Dance protest kontra abuso sa mga kababaihan inilunsad

Written by: Roderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ February 18, 2014) ---Idinaan ng mga Midsayapeá¹…o sa sayawan ang kanilang pagdiriwang ng araw ng mga puso kamakailan.

Ang aktibidad ay kaugnay ng paglulunsad ng One Billion Rising o OBR for Justice sa bayan kung saan hindi lamang basta sumayaw ang mga Midsayapeno ngunit kaakibat nito ang pagprotesta na magkaroon ng hustisya ang lahat ng mga kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan.

Kaso ng Syphilis at Hepatitis B, namonitor sa Rural Health Unit ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 18, 2014) ---Namonitor ang kaso ng Sexually Transmitted Infections o STI’s  kagaya ngSyphilis at ang kaso ng Hepatitis B mula sa iilang bayan sa North Cotabato at iilang bahagi ng Maguindanao.

Batay sa datus ng Municipal Epidemiology Surveillance Unit o MESU ng Kabacan noong nakaraang buwan, karamihan sa tinamaan ng nabanggit na sakit ay mga babae at nasa edad 20-29.

Kawani ng KWD, panibagong biktima ng agaw motorsiklo sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 18, 2014) ---Sugatan ang empleyado ng Kabacan Water District makaraang pagbabarilin at agawan ng motorsiklo sa bahagi ng Sitio Dima, Barangay Lower Paatan, Kabacan, Cotabato alas 11:35 kahapon ng umaga.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Danilo Diaz, 42 taong gulang, residente ng Aglipay St., Poblacion ng bayang ito.

Misis, kritikal matapos na pagsasaksakin at tagain ni Mister dahil sa selos sa Antipas, North Cotabato

(Antipas, North Cotabato/ February 18, 2014) ---Kritikal ang isang 32-anyos na ginang matapos na tagain sa leeg at pagsasaksakin ng mismong mister nito sa Purok 1, Barangay Malatab, Antipas, North Cotabato alas 7:50 kagabi.

Kinilala ni PSI Felix Fornan, hepe ng Antipas PNP ang biktima na si Edna Tacpan, habang kinilala naman ang suspek na asawa nito na si Jonathan Tacpan kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Registration para sa 2 malalaking event para sa Cotabato Centennial celebrations nagsimula na

Written by: Jimmy Santacruz

AMAS, Kidapawan City (Feb. 17) – Nag-umpisa na ang registration o pagpapatala para sa Centennial Photo Contest at Rodeo sa Cotabato na dalawa sa mha naglalakihang events sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng Cotabato sa Sep. 1, 2014.

Ayon sa Provincial Development Cooperative Office o PCDO, in charge ng naturang aktribidad, may dalawang category ng Centennial Photo Contest at ito ay ang professional at amateur category.

Dapat ay angkop sa tema ng Cotabato Centennial Celebrations ang mga isusumiteng larawan.

Bios Dynamis at Tree Life Coco Sugar ng Cot. province agad tinangkilik sa BIOFACH World Trade Fair for Organic Foods sa Germany

Written by: Jimmy Santacruz


AMAS, Kidapawan City (Feb. 17) – Hindi nagpahuli ang mga organic products na Bios Dynamis black rice at Tree Life Coco Sugar ng Cotabato province sa iba pang mga produkto sa BIOAFACH World Trade Fair for Organic Foods na ginaganap ngayon sa Nuremberg, Germany.

Ito ay matapos mapansin ang mga ito ng mga buyers at spectators mula sa iba’t-ibang bansa na dumalo sa trade fair na nagsimula noong Feb. 12, 2014 at magtatagal ng isang buwan.

Quality Education, prayoridad ng bagong liderato ng USM; USM General convo, isinasagawa naman ngayong umaga

(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2014) ---Nagpahayag ang bagong liderato ng University of Southern Mindanaosa katauhan ni Dr. Francisco Gil Garcia na dekalidad na edukasyon ang pangunahing target ng kanyang administrasyon.

Sa ginawang panayam sa kanya ng DXVL News binigyaang-diin ni Garcia mahalagang matutukan ang kalidad ng edukasyon sa pamantasan sapagkat sa darating na taong 2015, magiging open boarders na ang USM na nangagahulugan na ang mga USM graduates ay makikipagkompetensiya na sa ibang bansa higit lalo sa mga ASIAN Countries.

2 bangkay ng salvage victim sa Makilala, North Cotabato; natagpuan

(Makilala, North Cotabato/ February 17, 2014) ---Hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang mga bangkay na pinaniniwalaang biktima ng summary execution na natagpuan sa Barangay  Old Bulatukan Makilala North Cotabato noong Sabado ng medaling araw.

Ayon sa report kahapon, wala pa rin umanong pamilyang nag-claim sa nasabingmga bangkay.

Lalaki, sugatan matapos tagain ng kanyang kainuman sa Mlang, North Cotabato

(Mlang, North Cotabato/ February 17, 2014) ---Sugatan ang isang lalaki matapos tagain ng kanyang kainuman sa Barangay Katipunan, Mlang, North Cotabato kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ng Mlang PNP ang biktima na si Alex Petason na kung saan agad na isinugod sa isang bahay pagamutan para malapatan ng karampatang lunas.

Public Hearing ukol sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Kabacan, gaganapin ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2014) ---Nakatakdang isagawa ngayong araw  Pebrero a-17 ang Public Hearing kaugnay sa regulasyon ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa bayan ng Kabacan. Ito ay  isasagawa sa Municipal gymnasium na magsisimula ganap na alas 9 ngayong umaga.

Kabilang sa mga posibleng ipagbabawal sa nasabing ordinansa ay ang paninigarilyo sa pampublikong lugar tulad ng munisipyo, Mercado publiko, public terminal, mga paaralan at mga kahalintulad nito pa.

BFP Kabacan may panawagan sa publiko

(Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2014) ---Nananawagan sa publiko ang tanggapan ng Bureau of Fire Protection-Kabacan na panatilihin ang pagiging  mahinaon kapag may sunog at kaagad itong ipaalam sa mga kinauukulan. 

Sa mensaheng ipinaabot ni Senior Fire Marshall Ibrahim Guiamalon, ang pag-gamit ng first aid fire-fighting at maingat na pag-aanalisa sa pangyayari ay pawang mahalaga.

Libung halaga ng pera, natangay ng mga budol-budol gang sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2014) ---Abot sa P50,000 cash na halaga ang natangay sa isang 62-anyos na Ginang makaraang mabiktima ng budol-budol gang kamakalawa  umaga.

Kinilala ng kabacan PNP ang biktima na si Soledad Obella, residente ng Aglipay St., ng bayang ito.

1 sugatan sa aksidente sa Highway ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2014) ---Sugatan ang isang 54-anyos na babae sa nangyaring aksidente sa Kabacan Terminal Complex, Kayaga, Kabacan Cotabato kamakalawa ng hapon.

Batay sa ulat ng Kabacan traffic division sangkot sa nasabing aksidente ang weena Bus na may license plate MUV 405 na minamaneho ni Ronald Espino at tricycle na minamaneho naman ng isang Abdul Macalige, 35 taong gulang may-asawa at tubong Kabacan.

1 patay, 1 arestado sa pagtapon ng granada sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ February 17, 2014) ---Patay ang isang 30-anyos na suspek habang arestado naman ang isa pang kasama nito makaraang itinapon nila ang granada malapit sa detachment ng 7th IB, Philippine Army sa may bahagi ng Barangay  General Luna, Carmen, North Cotabato alas 2:30 kahapon ng hapon.

Sa report ng Carmen PNP, nagsasagawa ng highway check ang mga element ng kapulisan sa lugar ng parahan nila ang isang pulang Yamaha STX motorcycle na may license plate 5501 YV na tinatahak ang kahabaan papunta ng Kabacan.

Department of Animal Science ng USM, tinangkang sunugin!

(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2014) ---Muntik ng masunog ang gusali ng Department of Animal Science ng College of Agriculture matapos na madilaan ng apoy alas 9:20 kagabi.

Sa panayam ngayong umaga kay Dr. Josephine Migalbin, ang dating Dean ng CFAS binuhusan ng di pa nakilalang suspek ang pintuan ng kanilang department particular sa opisina ng kanilang department Chair na si Ginuong Jurhamid Imlan.


Ayon sa opisyal, mabuti na lamang at may dalawang estudyante na nagcoconduct ng kanilang thesis sa nasabing department na nakapansin ng insedente.