Written
by: Jimmy Santacruz
DAMAWATO, Tulunan (Feb. 18) – Iisa lang ang
susi sa pagkakapanalo ng Barangay Damawato sa Tulunan, Cotabato bilang national
champion sa Dept. of Health- National Search for Barangay with Best Sanitation
Practices noong Dec. 5, 2013 at ito ay ang pagkakaisa ng mga tao doon.
Ito ang sinabi ni Tulunan Mayor Lani
Candolada matapos na dumalo siya sa awarding ng DOH-NSBBSP sa Traders Hotel sa
Pasay City noong nakaraang lingo lamang.
Kasamang dumalo ni Mayor Candolada ang Rural
Health Unit officer ng bayan na si Dr. Mylene Perez at mga barangay officials
ng Damawato sa pangunguna ni Brgy. Chairman Rudy Pagdato.
Tumanggap ng trophy at certificate bilang
parangal ang Brgy Damawato bilang patunay na ito ang barangay na may
pinakamahusay at pinakamaayos na sanitation at hygiene practices sa buong bansa
noong nakalipas na taon.
Kabilang dito ang pagkakaroon ng maayos at
malinis na water system at palikuran at iba pang best practices para sa
kapakanan ng buong komunidad.
Nakamit naman ng Barangay Mabini ng
Compostela Valley ang 2nd place habang 3rd placer naman ang Barangay poblacion B
ng Janiuay, Iloilo.
Kaugnay nito, sinabi ni Mayor Candolada na
isang malaking hamon para sa iba pang mga barangay sa Tulunan ang parangal na
nakamit ng Brgy. Damawato.
Sinabi rin ng alkalde na sa pamamagitan ng
maayos at epektibong komuniskasyon at kooperasyon ng mga barangay sa mga
programang isinusulong ng national at maging ng provincial government ay tiyak na uunlad ang mga barangay.
Ang DOH-NSBBSP ay taunang ginagawa upang
hikayatin ang mga barangay na ipakita ang kanilang kakayahang mapanatili ang
kalinisan at kalusugan ng kanilang lugar at bigyan ng parangal ang barangay na
may pinakamahusay na performance o best sanitation practice. Ito ayon sa report
ni Cotabato Provincial government Media Officer JIMMY STA. CRUZ
0 comments:
Mag-post ng isang Komento