(Kabacan, North Cotabato/ February 18, 2014)
---Sugatan ang empleyado ng Kabacan Water District makaraang pagbabarilin at
agawan ng motorsiklo sa bahagi ng Sitio Dima, Barangay Lower Paatan, Kabacan,
Cotabato alas 11:35 kahapon ng umaga.
Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si
Danilo Diaz, 42 taong gulang, residente ng Aglipay St., Poblacion ng bayang
ito.
Ayon sa report, nagsasagawa ng water meter
reading sa nasabing lugar ang biktima ng barilin ito at tinamaan sa kaliwang
bahagi ng kanyang braso at kanyang mukha.
Agad namang dinala ang biktima sa Kabacan
Polymedic para sa agarang lunas pero di kalaunan ay inilipat sa Kidapawan
Medical Specialist para mabigyan ng medikal na atensiyon.
Samantala, narekober naman ng mga otoridad
ang isang single DT Yamaha 125 na motorsiklo kulay itim na may plakang MC 1270
ni Diaz.
Inabandona ng mga suspek ang motorsiklo ng
biktima makaraang maubusan ito ng gasolina.
Sa ngayon patuloy parin ang imbestigasyon ng
pulisya upang mahuli ang suspek.
Ito na ang pang-apat na kaso ng pamamaril
ang naitala sa Kabacan PNP sa loob lamang ng buwang ito. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento