(Makilala, North Cotabato/ February 17,
2014) ---Hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang mga bangkay na
pinaniniwalaang biktima ng summary execution na natagpuan sa Barangay Old Bulatukan Makilala North Cotabato noong
Sabado ng medaling araw.
Ayon sa report kahapon, wala pa rin umanong
pamilyang nag-claim sa nasabingmga bangkay.
Ang mga biktima ay may edad mula 17 hanggang
20 at may taas na 5’3 at 5’4 ,ang isa ay nakasuot ng pulang short at blue na t-shirt habang ang isa naman ay
nakasuot ng yellow at red na short at naka long sleeve.
Pawang nakatali ang mga kamay at paa ng mga
biktima at binusalan ng packing tape ang mga bibig nito at piniringan ang mga
mata.
Ito ay mga palatandaan na sila ay biktima
umano ng summary execution.
Nagtamo rin ng maraming tama ng baril mula
sa 9mm pistol ang dalawa sa ibat’ ibang parte ng kanilang katawan at naging
dahilang ng agaran nilang kamatayan.
Posibleng sa barangay Old Bulatukan
pinaslang ang dalawa dahil sa mga narecover na mga bala at live ammunitions sa
crime scene.
Sa ngayon patuloy ang panawagan ng PNP na
kung sino man ang nawawalan ng miyembro ng kanilang pamilya ay pumunta lamang
sa Collado Funeral Home sa Kidapawan City dahil doon pansamatala inilagak ang
bangkay ng mga biktima.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento