(Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2014)
---Sugatan ang isang 54-anyos na babae sa nangyaring aksidente sa Kabacan
Terminal Complex, Kayaga, Kabacan Cotabato kamakalawa ng hapon.
Batay sa ulat ng Kabacan traffic division
sangkot sa nasabing aksidente ang weena Bus na may license plate MUV 405 na
minamaneho ni Ronald Espino at tricycle na minamaneho naman ng isang Abdul
Macalige, 35 taong gulang may-asawa at tubong Kabacan.
Bukod sa pagkakasugat ng pasahero ng
tricycle na kinilalang si Corazon Antonio 54 ng Barangay Pisan ay nabasag din
ang salamin sa harapan at gilid nito.
Patuloy pa ang ginagawang imbestigahan ng Kabacan
PNP. Rhoderick Benez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento