(Kabacan, North Cotabato/ February 18, 2014)
---Namonitor ang kaso ng Sexually Transmitted Infections o STI’s kagaya ngSyphilis at ang kaso ng Hepatitis B
mula sa iilang bayan sa North Cotabato at iilang bahagi ng Maguindanao.
Batay sa datus ng Municipal Epidemiology
Surveillance Unit o MESU ng Kabacan noong nakaraang buwan, karamihan sa
tinamaan ng nabanggit na sakit ay mga babae at nasa edad 20-29.
Ayon kay Disease Surveillance Coordinator
Honey Joy Cabellon, nakapagtala ang kanilang tanggapan ng 9 na kaso ng Syphilis
at 11 kaso ng Hepatitis B.
Sa report na inilabas ng MESU, ang mga
pasyenteng may sakit na Hepatitis B ay residente ng Carmen at Pikit dito sa
lalawigan at Buluan, Pagalungan at Pagagawan mula sa lalawigan ng Maguindanao.
Ang mga may kaso naman ng Syphilis ay
residente naman ng Kabacan, Carmen at Pikit dito sa lalawigan at Pagalungan sa
probinsiya ng Maguindanao.
Ang syphilis ay isang lubhang nakakahawang
sakit na kalimitang naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
May pagkakataong naipapasa din ito sa
pamamagitan ng matagalang pakikipaghalikan at malapitang contact sa katawan ng
taong nagtataglay ng naturang sakit. Rhoderick
Beñez with report from Abdullah Matucan
0 comments:
Mag-post ng isang Komento