(Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2014)
---Nakatakdang isagawa ngayong araw
Pebrero a-17 ang Public Hearing kaugnay sa regulasyon ng paninigarilyo
sa mga pampublikong lugar sa bayan ng Kabacan. Ito ay isasagawa sa Municipal gymnasium na
magsisimula ganap na alas 9 ngayong umaga.
Kabilang sa mga posibleng ipagbabawal sa
nasabing ordinansa ay ang paninigarilyo sa pampublikong lugar tulad ng
munisipyo, Mercado publiko, public terminal, mga paaralan at mga kahalintulad
nito pa.
Bukud dito, ire-regulate din ang
paninigarilyo sa mga pampublikong sasakyan maging ang advertisement at
sponsorship nito.
Tatalakayin din sa gagawing public hearing
ang mga karampatang parusa sa mga lalabag dito.
Ang nasabing ordinansa ay alinsunod sa
Tobacco Regulation Act of 2003 kaya naman hinikayat ang iba’t-ibang sektor na
dumalo sa nasabing public hearing upang mabatid ng mga ito ang detalye ng
nasabing kautusan kung saan ito ay isinusulong ng Sangguniang Bayan sa ilalim
ng Committee on Health, Sanitation and Nutrition.
Nabatid na ang paninigarilyo kung saan
marami sa mga pinoy ang nahuhumaling dito ay maraming masamang idudulot sa
kalusugan ng isang tao. Abdullah Matucan
0 comments:
Mag-post ng isang Komento