(Antipas, North Cotabato/ February 18, 2014)
---Kritikal ang isang 32-anyos na ginang matapos na tagain sa leeg at
pagsasaksakin ng mismong mister nito sa Purok 1, Barangay Malatab, Antipas,
North Cotabato alas 7:50 kagabi.
Kinilala ni PSI Felix Fornan, hepe ng
Antipas PNP ang biktima na si Edna Tacpan, habang kinilala naman ang suspek na
asawa nito na si Jonathan Tacpan kapwa residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa report, nagkaroon umano ng mainitang
pagtatalo ang dalawa bago nangyari ang insedente.
Habang natutulog na ang misis sa silid nila,
doon na pinagtataga sa leeg at pagsasaksakin ng suspek ang misis nito.
Agad namang isinugod ang biktima sa Antipas
Medical Specialist Center para mabigyan ng karampatang lunas habang mabilis
namang tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon.
Nagsasagawa na ngayon ng pursuit operation
ang Antipas PNP sa nasabing insedente.
Love triangle ang sinusundang anggulo ngayon
ng mga otoridad habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento