(Matalam, North Cotabato/ February 19, 2014)
---Brutal na pinatay ang 6-anyos na nene matapos itong saksakin ay nilunod pa
ng 26-anyos na bingi’t pipi sa Barangay
Sta. Maria, bayan ng Matalam, North Cotabato kamakalawa ng hapon.
Ayon kay
P/Chief Ispector Elias Diosmo Colonia, hepe ng Matalam PNP, ipinagbigay-alam ni Councilor Rolando Monesa
ang naganap na krimen sa Purok Pagkakaisa sa nasabing barangay.
Mabilis namang
rumesponde ang mga operatiba ng pulisya kung saan naaresto ang suspek na si
Marcelino Malapitan Odones sinasabing jobless habang hindi na pinangalanan ng
pulisya ang biktima sa pakiusap na rin ng pamilya. Rhoderick BeƱez PSN
0 comments:
Mag-post ng isang Komento