(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2014)
---Isinagawa kahapon ang paglalagay ng “Bantay Presyo Billboard” sa palengke ng
Kabacan, Cotabato.
Sa pangunguna ng Department of Trade and
Industry kasama ang Kabacan Local Government Unit, ang “Bantay Presyo
Billboard” Project na nagnanais na maabot ang konsepto ng “Tamang Timbang,
Tamang Presyo, at Dekalidad na Produkto ng DTI, ay nainstol na.
Sa pamamagitan ng pagpapatayo ng nasabing
billboard, inaasahan na magkakaroon ng price monitoring mechanism ang mga
mamimili at nagpapabili sa loob ng public market.
Ang nasabing proyekto ay naglalayong
maprotektahan ang interest at karapatan ng mga mamimili.
Suportado ni Hon. Mayor Herlo P. Guzman, Jr.
ang nasabing proyekto at hangad niyang matulungan sa paglago ang ekonomiya ng
bayan at higit sa lahat ang mapangalagaan ang karapatan at mabigyan ng
proteksyon ang lahat ng mga konsumedores.
Isa ang Kabacan sa mga nabiyayayaang
mabigyan ng proyekto ng DTI sa mahigit 5 Syudad at 45 Munisipalidad ng Rehiyon.
Ang nasabing billboard ay ipinatayo partikular
na sa may Entrance patungong Wet Market. Rhoderick
Beñez with report from Sarah Jane Guerrero
0 comments:
Mag-post ng isang Komento