(Arakan, North Cotabato/ February 24, 2014)
---Nasa state of decomposition na ng matagpuang palutang-lutang ang bangkay sa
may ilog ng Barangay Badiangon, Arakan, North Cotabato alas 2:00 ng hapon
nitong Biyernes.
Ayon kay PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan
PNP agad namang kinuha ang nasabing bangkay ng ilang mga barangay opisyal ng
Mahongkog, Magpet at ng mga kamag-anak ng biktima.
Kinilala ang biktima na si Noli Guillermo,
49-anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Noa sa bayan ng Magpet.
Ang bangkay ay nagtamo ng sugat sa ulo nito
na posibleng dahilan ng kamatayan nito.
Inaalam pa ngayon kung may foul play sa
pagkamatay ng biktima. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento