Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Qur-anic Reading Competition, matagumpay na naidaos sa bayan ng Pagalungan

(Maguindanao/ February 24, 2014) ---Naging matagumpay ang pagdaraos ng 39th Municipal Qur-anic Reading Competition na ginanap noong Sabado, Pebrero 22, 2014 sa Municipal Covered Court sa bayan ng Pagalungan sa Maguindanao.

Ayon sa Head Orgnanizer ng nasabing patimpalak na si Ustadz Abubakar Haji Abdullah, mayroong kabuuang 27 na kalahok mula sa iba’t-ibang barangay ng bayan ang nagtagisan ng galing sa pagbabasa ng banal na Qur-An kung saan nahati ito sa kategoryang Ebtida o Elementary at Markads o High School.


Aniya, mahalaga ang nasabing patimpalak sapagkat isa ito sa tradisyon ng mga Muslim na nakasaad mismo sa banal na Qur-an kung saan isa sa layunin nito ay upang mas lalo pang mapalaganap ang mga magagandang katuruan ng relihiyong Islam.

Nagpakita naman ng suporta ang pamahalaang lokal ng bayan kung saan personal itong dinaluhan ni Municipal Councilor  Honorable Hajah Rahma Palalisan-Matalam. (Abdullah Matucan)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento