Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mayor Guzman, pinasinayaan ang Farmer Field School Graduation ng mga magsasaka ng Aringay

(Kabacan, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Mahigit 33 partisipante ng programang Season Long Farmers Field School on IPM Rice Production ang nakapagtapos na sa Brgy Aringay, Kabacan, Cotabato kahapon.

Ang programang ito ay pinangunahan ng LGU-Municipal Agriculture Office na dinaluhan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr., katuwang ang ilang mga punong barangay tulad nina Poblacion Kapitan Mike Remulta, Barangay Captain Aladin Mantawil ng Barangay Salapungan at Sb member Datumasla Mantawil.


Sa mensahe ni Mayor Guzman kanyang ibinigay ang kanyang buong suporta at masaya siyang unti-unti ng nasisimulan ang kanyang ibat-ibang proyekto ng LGU Kabacan.

Kanya ring ipinahayag na makakaasa ang bawat isa na bibigyang prayoridad nya ang mga proyektong mag-aangat sa sector ng pagsasaka.


Natapos ang programa sa pamamahagi ng laminated sacks o trapal sa mga grumadwet na magsasaka, ayon sa report ni Kabacan LGU Information Officer Sarah Jane Guerrero.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento