Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagkakaisa at pagsusulong ng kaunlaran sentro sa selebrasyon ng ika-33 anibersaryo ng Bayan ng Alamada, North Cotabato

Written by: Roderick Bautista

(Kabacan, North Cotabato/ June 20, 2014) ---May mga pangyayari mang hindi maganda sa nakalipas na mga buwan ay tuloy pa rin ang mga aktibidad sa pagdiriwang ng ika-45 anibersaryo ng bayan ng Alamada.

Nakasentro ang selebrasyon sa temang, “Padayon sa Pagbuylog Katawhan sa Mabinungahong Pagkab- ot sa Kalinong kag Mauswagong Banwang Alamada.”

Bala nakabaon pa rin sa balikat ng Grade 1 pupil na binaril sa Matalam, North Cotabato

(Mlang, North Cotabato/ June 20, 2014) ---Bagama’t nakalabas na ng ospital hindi pa rin tuluyang magaling ang grade 1 pupil na binaril habang namumulot ng Mangga sakahan sa Purok Azucena, Poblacion, Matalam, Cotabato alas 2:30 ng hapon noong buwan ng Mayo.

Ayon kay M’lang Liason Officer on Health Emmy Malinao na inako nan g Pamahalaang Lokal ng Mlang ang gastusin sa pagpapa-ospital sa biktimang kinilalang si John Mark Mabitasan.

1 Unit ng Bus, nahuli sa unang araw ng implementasyon ng malaking multa kontra kolurom

(Kabacan, North Cotabato/ June 20, 2014) ---Na-stranded ang ilang mga pasahero ng Rural Transit Bus matapos na mahuli ng Land Transportation Regional Office 12 kasama ang pinagsanib na pwersa ng Kabacan Traffic Management Unit at Kabacan PNP sa isinagawang kampanya kontra kolurom sa pangunahing kalye ng Kabacan, kahapon.

Sa panayam ng DXVL News sa Drayber ng Bus na pansamantalang pinatigil ang biyahe ng isang unit ng bus na minamaneho nito makaraang makitaan ng paglabag.

Bigtime drug courier, arestado sa Kidapawan City

(North Cotabato/ June 20, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng lima katao kasama na dito ang big-time drug courier makaraang maresto ang mga ito sa inilatag na buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-ARMM, sa dalawang magkahiwalay na buy-bust raid sa Kidapawan City, kagabi.

Batay sa ulat ng PDEA-ARMM dakong alas 8:30 kagabi ng unang maaresto ang tatlo habang ang dalawa ay nasakote naman sa may Purok Kasoy, Sinsuat Street, bandang alas-10 kagabi.

Planung pag-utang ng Kabacan LGU ng P75M para sa heavy equipment, pasado na sa Sangguniang Bayan

(Kabacan, North Cotabato/ June 20, 2014) ---Pasado na sa pangatlo at huling pagbasa sa Sangguniang Bayan ang planung pag-utang ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan ng abot sa P75M para sa heavy equipment.

Ito ayon kay Secretary to the Sangguniang Bayan Beatriz Maderas matapos na maisalang na ang nasabing panukala sa matinding deliberasyon at diskusyon sa Sangguniang bayan kahapon.

35 pamilya nawalan ng tirahan pagkatapos ng magka-landslide sa Arakan, North Cotabato

(Arakan, North Cotabato/ June 20, 2014) ---May 35 mahihirap na pamilya sa bayan ng Arakan sa North Cotabato ang nawalan ng tirahan matapos matamaan ng landslide ang kanilang gma bahay nitong Miyerkules.

Ayon kay Arakan Mayor Rene Rubino, limang bahay sa Barangay Napaliko ang natabunan ng lupa matapos ang landslide dulot na rin ng malalakas na pag-ulan nitong mga nakalipas na dalawang araw.

Manager dedo sa ambush

(South Cotabato/ June 20, 2014) ---Pinabulagta ang manager ng lokal na sangay ng Pepsi Cola Company makaraang pagbabarilin ng  riding-in-tandem gunmen sa Purok San Roque, Brgy. Labangal sa General Santos City, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ng pulisya  ang biktima na si Rey Carba na naka-assign sa bayan ng Tacurong, Sultan Kudarat at dumalo lamang sa pagpupulong ng kanilang kompanya sa nasabing lungsod.

Lolo kumalas sa kalaguyo, itinumba

(South Cotabato/ June 20, 2014) ---Napatay ang 69-anyos na lolo matapos ratratin ng karelasyon ng kanyang kinakasamang babae sa Sitio Imbong, Brgy. Lam Apos sa bayan ng Banga, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Eduardo Mag­hari Nobleza ng Barangay Lamsugod, Surallah habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Jerson Malayang Kendo, 29, B’laan Tribe at nakatira sa Brgy. Datal Blao, bayan ng Colombio, Sultan Kudarat.

Mga menor de edad na nahulihan ng shabu sa Kabacan, nasa kustodiya na ng LGU, tulong sa pagpapa-aral, aakuin ni Mayor Guzman

(Kabacan, North Cotabato/ June 19, 2014) ---Tiniyak ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na nasa mabuti ng kalagayan ang mga menor de edad na nahuling sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga, ito makaraang nasa kutodiya na ito ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan.

Ayon sa alkalde nakakalarma na ang nasabing sitwasyon dahil sa ginagamit na rin ngayon ng ilang mga sindikato ang mga bata sa kanilang illegal na gawain.

40-anyos na tindera, nasakote sa drug buy bust raid sa Pigcawayan

(Pigcawayan, North Cotabato/ June 19, 2014) ---Nasakote ang isang 40 anyos na tindera matapos mahuli ng pinagsanib pwersa ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) –ARMM at PDEA Region 12 sa inilatag na buy bust operation sa Public Market, Poblacion 2, Pigcawayan, North Cotabato pasado alas 3:00 ng kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Norhata Mama Usman, residente rin na nasabing lugar.

Preventive Maintenance, isasagawa sa Munubuan Substation ng Cotelco; 12 oras na brownout aasahan ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ June 19, 2014) ---Magsisimula ngayong alas 6:00 ng umaga hanggang mamayang alas 6:00 ng gabi ang ipapatupad na power interruption ng Cotabato electric Cooperative o Cotelco sa ilang service area nito.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Cotelco Spokesperson Vincent Baguio dahil sa may gagawing pag-aayos ang Cotelco at National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa linya ng kuryente.

Pagbaha sa Mababang lugar sa Mlang, pinaghahandaan!

Written by: Williamore Magbanua

(Mlang, North Cotabato/ June 18, 2014) ---Todo paghahanda na ang mga low-lying barangay sa bayan ng Mlang ngayong pormal nang nagsimula ang tag-ulan.

Sa datus ng Municipal Disaster Risk and Reduction Management Council (MDRRMC) aabot sa 13 sa 37 mga barangay ng bayan ang pinangangambahang bahain sakaling umapaw ang mga ilog na nakapalibot sa mga ito.

Regional workshops and training ng Google isinagawa sa UNIVERSITY of Southern Mindanao

(Kabacan, North Cotabato/ June 18, 2014) ---Nagsimula na ang Regional workshops and training ng Google for Education Program na isinagawa sa ICTC bldg University of Southern Minmdanao USM, Kabacan, Cotabato ngayong araw.

Ito ayon kay ICT Director of USM Melecio A. Cordero Jr. na kung saan na pormal ng sinimulan ngayong araw at magtatapos sa june 21, araw ng sabado na dadaluhan ng mga IT administrator, Faculty, Non teaching at mga estudyande ng nasabing Unibersidad.

Magsasaka, pinatay ng kabaro!

(Lanao del Sur/ June 18, 2014) ---Patay ang isang isang magsasaka, makaraang barilin ng kapwa magsasaka sa Brgy. Bakayawan, Malabang Lanao del Sur kahapon ng umaga.

Kinilala ni Malabang Chief of Police Inspector Alrashid Tulawi ang biktima na si Simeon Panganiban Ventura, residente rin ng nabanggit na lugar.

One Billion Rising o OBR, ilulunsad sa CBDEM-USM ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ June 18, 2014) ---Pormal ng ilulunsad ang One Billion Rising o OBR ngayong araw sa College of Business Development Economics and Management  o CBDEM ng University of Southern Mindanao, KabaCAN, Cotabato.

Ayon kay College of Arts and Science GAD Focal Person Jacinta T. Pueyo na ang layonin nito ay  matulungan ang mga biktima na mailabas ang kanilang nararamdaman at maging ang masamang karanasan kagaya ng pagmamaltrato mula sa kamay ng kanilang mga asawa at mga nananakit sa mga ito sa pamamagitan ng sining.

Mga magulang ng mga batang nahulihan ng shabu sa Kabacan, posibleng mahaharap sa kaso –CIDG North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ June 18, 2014) --- Kapag mapatunayang alam ng mga magulang ng tatlong mga bata kasama na ang isang anim na taong gulang na kindergarten pupil na ginagamit ang kanilang mga anak sa pagtutulak ng illegal na droga, posibleng mahaharap sa kaso ang mga ito.

Ito ayon kay Criminal Investigation and Detection Group OIC PSI Doreen Mauricio sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Tricycle Drayber na umano’y di maganda ang trato sa isang pasahero, ipinatawag ng TMU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 18, 2014) ---Agad na-trace ng Kabacan Traffic Management Unit ang tricycle driver na diumano’y di maganda ang trato nito sa isang pasahero.

Ito ayon kay Kabacan TMU Head Ret. Col. Antonio Peralta sa panayam sa kanya ng DXVL News.
Batay kasi sa ipinadalang sumbong ng isang pasahero, hindi umano inihatid mismo sa kanyang paroroonan ang biktima kahit pa nagbayad ito ng doble.

BREAKING NEWS: 12-oras na brown-out, aasahan sa service area ng Cotelco, bukas

(Kabacan, North Cotabato/ June 18, 2014) ---Abot sa 12 oras na brown-out ang aasahan sa service area na sakop ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco bukas.

Ayon sa kalatas na ipinadala ng pamunuan ng Cotelco na magsisimula ang power interruption mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng hapon bukas.

11 bayan sa Maguindanao; lubog sa baha

(North Cotabato/ June 18, 2014) --- Laksa-laksang mga residente ngayon ang naapektuhan ng pagbabaha mula sa labin isang mga bayan sa Maguindanao na lubog sa tubig baha dahil sa walang humpay na pagbuhos ng malakas na ulan simula pa nitong nakaraang araw.  

Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM Executive Secretary Atty. Laisa Alamia na kabilang sa mga bayang apektado ay Mamasapano, Rajah Buayan, Ampatuan, Datu Abdullah Sangki, Datu Piang, Datu Salibo, Shariff Saidona Mustapha, Pagalungan at Datu Montawal ito batay na rin sa ginawang monitoring ng ARMM Humanitarian Emergency Response and Action Team o HEART.

Construction Workers minasaker; 3 utas, 1 sugatan

(North Cotabato/ June 18, 2014) ---Tatlo katao ang naiulat na napatay sa nangyaring pamamaril sa Barangay Datal Dlanag sa bayan ng T'boli sa lalawigan ng South Cotabato pasado alas-10:00 kagabi.

Sa isang phone interview sinabi ni Mayor Dibu Tuan na mga bandidong grupo na pinamumunuan ni Jerry Piang ang sumalakay sa bunkhouse ng mga construction workers sa isang kompanya at walang abu-abong pinagbabaril ang mga trabahante.

(Update) Mga residenteng naapektuhan ng girian ng MILF at MNLF sa Matalam, unti-unting ng nag-uwian

(Matalam, North Cotabato/ June 17, 2014) ---Tiniyak ng pamunuan ng Matalam PNP na binbantayan nila ang seguridad sa National Highway matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng pangkat ng MILF at MNLF sa Sitio Mateo, Barangay Manubuan, Matalam, North Cotabato kamakalawa.

Sa panayam ng DXVL News kay CPPO Spokesperson Senior Inspector Jojit Nicolas na unti-unti na ring bumabalik sa normal ang sitwasyon sa lugar.

27-anyos na tulak droga, arestado; suspek din sa nangyaring pagbaril sa isang lalaki sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabatao/ June 17, 2014) ---Arestado ang 27 anyos na lalaki matapos mahulihan ng pinaniniwalaang shabu sa Purok Saranay Brgy. Poblacion, Kabacan, Cotabato Kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Supt. Jordine Maribojo Hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Alvin Langalin Payot, 27 anyos, Kasado, walang trabaho at residente ng Kibayao, Carmen, North Cotabato.

4 katao kasama ang kindergarten pupil; timbog sa drug buy-bust sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 17, 2014) ---Natiklo ng mga otoridad sa ikinasang drug buy-bust raid ang apat katao, isa rito kindergarten pupil at dalawa mga teenager, sa Poblacion, Kabacan, North Cotabato, alas 4:30 ng hapon, kahapon.

Kinilala ni Criminal Investigation and Detection Group-North Cotabato officer-in-charge Sr. Insp. Doreen Mauricio at apat pa nito’ng mga tauhan ang mga suspect na si Alvin Alamada, 20, ng Mantawil St., Poblacion, Kabacan, habang tumanggi namang kilalanin ng (CIDG) North Cotabato ang bata at dalawang mga tin-edyer na kanilang nahuli.

Parak, nag-suicide!

(Cotabato city/ June 17, 2014) ---Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 34-anyos na police matapos barilin ang kanyang sarili sa loob ng comfort room sa Cotabato airport kahapon ng umaga.

Kinilala ni Police Senior Inspector Eugene Balugo ang biktima na si Police Officer 1 Richard Batulio Cruz residente ng Bukana, Cotabato City.

24-anyos na lalaki, ospital ang bagsak matapos mahulog sa Niyog

(Carmen, North Cotabato/ June 16, 2014) ---Patuloy na nagpapagaling ngayon sa USM Hospital ang isang 24-anyos na lalaki makaraang mahulog sa puno ng Niyog sa Sitio Galay, Kibayao, Carmen, North Cotabato alas 9:00 kahapon ng umaga.

Sa nakuhang ulat ng DXVL News mula sa USM Hospital kinilala ng kanyang tiyuhin na si Jayson Hasan ang biktima na si Norodin Alba Idris residente ng nasabing lugar.

MILF vs MNLF: 1 patay; 100 nagsilikas

(Matalam, North Cotabato/ June 16, 2014) ---Umaabot sa 100 residente ang nagsilikas habang isa naman ang napatay makaraang magsagupa ang armadong grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Sitio Mateo, Barangay Manubuan sa bayan ng Matalam, North Cotabato kamakalawa ng kahapon.

Kinilala ni SPO1 Froilan Gravidez ang napatay na si Mentato Galangan, 27, habang aabot sa mahigit 100 residente ang lumikas mula sa kanilang tahanan matapos marinig ang serye ng putukan ng magkabilang grupo.

Indian National, pinabulagta sa Kabacan!

(Kabacan, North Cotabato/ June 16, 2014) ---Bulagta at naliligo sa sariling dugo ang isang Indian National makaraang ratratin ng bala ng tatlong mga armadong kalalakihan sa kurbadang bahagi ng Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 12:25 ng tanghali kanina.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Surinder Singh, isang Indian National at may local address sa Apo Sandawa Subdivision, Kidapawan City.

Presyo ng Bigas sa Kabacan, naka-amba na ring tumaas

(Kabacan, North Cotabato/ June 16, 2014) ---Nakaamba na ring tumaas ang presyo ng bigas sa Kabacan, Cotabato kasunod ng naging pahayag ng  National Food Authority (NFA) sa pamamagitan ni NFA Director for Public Affairs Rex Estoperez, dahil sa pagpasok ng lean months ng ating bansa ngayong Hunyo.

Sa pagtutok naman ng DXVL News sa pamilihang bayan ng Kabacan, sinabi ng mga nagbebenta ng bigas na nasa sampung piso ang itinaas sa presyo ng kada sako ng bigas ngayon.

Facebook fan page para sa Mutya ng North Cotabato 2014 binuksan na

Written by: Jimmy Sta.Cruz

AMAS, Kidapawan City (June 16) – Upang lalong maging aktibo ang search ng Mutya ng North Cotabato 2014 Centennial Queen, inilungsad kamakaylan ng Provincial Governor’s Office Media Center – PGO Media Center ang isang fan page sa Facebook upang mailathala ang lahat ng mga updates at larawan ng mga kandidata.

Ito ay ang Mutya ng North Cotabato fan page na patuloy na binibisita ng mga netizens.

Suspek na pumapatay sa habal-habal Driver sa Kidapawan City, patuloy na tinutugis

(Kidapawan City/ June 16, 2014) ---Blanko pa ang Kidapawan City PNP kung sinu ang responsible sa pagbaril patay sa isang 32-anyos na habal-habanl driver sa bahagi ng Jose Abad Santos St., Kidapawan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Leo Ajero, City Police Director ang biktima na si Mohammad Sanday Batingkay, may asawa at residente ng Bangsamoro Village ng nasabing lugar.