Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Construction Workers minasaker; 3 utas, 1 sugatan

(North Cotabato/ June 18, 2014) ---Tatlo katao ang naiulat na napatay sa nangyaring pamamaril sa Barangay Datal Dlanag sa bayan ng T'boli sa lalawigan ng South Cotabato pasado alas-10:00 kagabi.

Sa isang phone interview sinabi ni Mayor Dibu Tuan na mga bandidong grupo na pinamumunuan ni Jerry Piang ang sumalakay sa bunkhouse ng mga construction workers sa isang kompanya at walang abu-abong pinagbabaril ang mga trabahante.

Patay on the spot ang biktimang kinilalang si Alvin Sumiri na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib at ulo habang ginagamot naman sa South Cotabato Provincial Hospital si Jhonny Zapanta na tinamaan sa tagiliran makaraang pinagbabaril ni Piang gamit ang garand rifle.

Ipinahayag ni Michael Agpas, kasamahan ng mga biktima na natutulog sila ng nangyaring pamamaril at maswerte na hindi ito tinamaan gayundin ang mga guwardiya ng kompanya.

Aniya, pinaghahanap diumano ni Piang ang kanyang asawa sa kanilang bunkhouse.

Kinukumpirma pa ng mga pulis ang ulat na binaril-patay rin diumano ng suspek ang asawa't anak ng madatnan sa kanilang bahay.

Selos diumano ang pinag-ugatan ng pag-amok ni Piang.


Sa ngayon patuloy pa ang paghahanap sa nasabing suspek. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento