Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Regional workshops and training ng Google isinagawa sa UNIVERSITY of Southern Mindanao

(Kabacan, North Cotabato/ June 18, 2014) ---Nagsimula na ang Regional workshops and training ng Google for Education Program na isinagawa sa ICTC bldg University of Southern Minmdanao USM, Kabacan, Cotabato ngayong araw.

Ito ayon kay ICT Director of USM Melecio A. Cordero Jr. na kung saan na pormal ng sinimulan ngayong araw at magtatapos sa june 21, araw ng sabado na dadaluhan ng mga IT administrator, Faculty, Non teaching at mga estudyande ng nasabing Unibersidad.

 Layon ng nasabing programa na mapaangat ang kaalaman ng mga educational institution kung saan mapalad ang USM na pinagkalooban ng libreng workshop and training hinggil sa mga digital platforms na pinangunahan ng google.

Samantala Sugatan ang isang 37-anyos na magsasaka matapos barilin ng kanyang kapitbahay sa Sitio Sumin, Barangay Malangag, Antipas, North Cotabato kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Pepeng Caan Dido, residente rin ng nasabing lugar. 

Ayon sa report ng Antipas PNP, ang biktima ay binaril ni Sultan Dino, na siya ring may-ari ng sakahan kung saan nangyari ang insidente. 

Nagtamo ng tama ng baril sa likurang bahagi ng ulo si Dido at ngayon ay nagpapagaling na sa ospital. 

Patuloy naman ang paghahanap ng mga otoridad sa suspek na mabilis na tumakas pagkatapos ng pamamaril. Zhaira Sinolinding


0 comments:

Mag-post ng isang Komento