(Kidapawan City/ June 16, 2014) ---Blanko pa
ang Kidapawan City PNP kung sinu ang responsible sa pagbaril patay sa isang
32-anyos na habal-habanl driver sa bahagi ng Jose Abad Santos St., Kidapawan
City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Supt. Leo Ajero, City Police
Director ang biktima na si Mohammad Sanday Batingkay, may asawa at residente ng
Bangsamoro Village ng nasabing lugar.
Nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala ang
biktima sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng agara
nitong kamatayan.
Mabilis namang tumkas ang mga suspek lulan
ng kulay itim na motorsiklo makaraang makitang bulagta ang biktima.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang ginagawang
hot pursuit operation ng Kidapawan city PNP. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento