(Kabacan, North Cotabato/ June 18, 2014) ---Pormal
ng ilulunsad ang One Billion Rising o OBR ngayong araw sa College of Business
Development Economics and Management o
CBDEM ng University of Southern Mindanao, KabaCAN, Cotabato.
Ayon kay College of Arts and Science GAD
Focal Person Jacinta T. Pueyo na ang layonin nito ay matulungan ang mga biktima na mailabas ang
kanilang nararamdaman at maging ang masamang karanasan kagaya ng pagmamaltrato
mula sa kamay ng kanilang mga asawa at mga nananakit sa mga ito sa pamamagitan
ng sining.
Pangungunahan naman ni USM-GAD focal person
Dr. Sindaolan Galla Al-hadja ang nasabing aktibidad.
Inaasahan ding dadalo sina USM president
Francisco Gil Garcia, Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. at Gabriela regional
Council Executive Director Davao City, Leah Emily Minoza na magiging panauhing
tagapagsalita sa programa.
Sa ngayon umaabot na sa 207 mga bansa ang
kasali sa One Billion Rising, kasali na ang Pilipinas.
Inaasahan din ang Ceremonial signing ng mga
bisita, University Officials, Municipal Officials at mga studyante. Regine Lanuza DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento