Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Indian National, pinabulagta sa Kabacan!

(Kabacan, North Cotabato/ June 16, 2014) ---Bulagta at naliligo sa sariling dugo ang isang Indian National makaraang ratratin ng bala ng tatlong mga armadong kalalakihan sa kurbadang bahagi ng Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 12:25 ng tanghali kanina.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Surinder Singh, isang Indian National at may local address sa Apo Sandawa Subdivision, Kidapawan City.


Ang biktima ay sangkot sa money lending business o nagpapa-five six ng barilin ng tatlong mga suspek sa Brgy. Kayaga.

Pupunta sana ang Bombay sa kanyang kliyente na si Tarhata Musa ng barilin ng mga suspek.

Nagtamo ang biktima ng ibat-ibang tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng kalibre .45 na pistol.

Malaki ang paniniwala ni Supt. Maribojo na agaw motorsiklo ang motibo makaraang tangayin ng tatlong mga suspek ang kanyang sasakyan at tumakas sa bahagi ng Brgy. Magatos.

Aminado si Col. Maribojo na maluwag ang ipinapatupad kasing seguridad sa brgy. Kayaga dahilan para maglatag sila ng security measure ngayong araw kasama ang punong brgy. ng Kayaga. Rhoderick Beñez





0 comments:

Mag-post ng isang Komento