Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lolo kumalas sa kalaguyo, itinumba

(South Cotabato/ June 20, 2014) ---Napatay ang 69-anyos na lolo matapos ratratin ng karelasyon ng kanyang kinakasamang babae sa Sitio Imbong, Brgy. Lam Apos sa bayan ng Banga, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Eduardo Mag­hari Nobleza ng Barangay Lamsugod, Surallah habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Jerson Malayang Kendo, 29, B’laan Tribe at nakatira sa Brgy. Datal Blao, bayan ng Colombio, Sultan Kudarat.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng pulisya, nagtungo ang biktima sa tanggapan ng Lupong Tagapamayapa kasama ang kanyang ka-live-in na si Jovelyn Banday para ayusin ang settlement case sa paghihiwalay ng dalawa.

Ang nasabing settlement case ay may kaugnayan sa pakikipaghiwalay ng biktima kay Banday kung saan iba­balik ng pamilya ng babae ang dowry na P6,000.

Matapos ang settlement, lumabas na ang biktima ng Sitio Hall kung saan inakbayan naman ng suspek habang tinututukan ng baril.

Habang naglalakad sa kahabaan ng kalsada ay binaril ito ng ilang beses hanggang sa mapatay ng suspek.


Nabatid na karelasyon ng suspek ang ka-live-in ng biktima. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento