Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga menor de edad na nahulihan ng shabu sa Kabacan, nasa kustodiya na ng LGU, tulong sa pagpapa-aral, aakuin ni Mayor Guzman

(Kabacan, North Cotabato/ June 19, 2014) ---Tiniyak ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na nasa mabuti ng kalagayan ang mga menor de edad na nahuling sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga, ito makaraang nasa kutodiya na ito ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan.

Ayon sa alkalde nakakalarma na ang nasabing sitwasyon dahil sa ginagamit na rin ngayon ng ilang mga sindikato ang mga bata sa kanilang illegal na gawain.

Dahil dito agad na inatasan ni Mayor Guzman ang Municipal Social Welfare and Development Office na tutukan ang nasabing kaso.

Kahapon, isinailalaim na sa debriefing ang mga bata.

Iginiit naman ng punong ehekutibo na tiyaking makabalik sa pag-aaral ang mga bata at tutulungan ito ng LGU Kabacan.

Samantala tahasang isinisi naman ng Alkalde ang batas na isinulong ni Senador Kiko Pangilinan hinggil sa Juvenile law makaraang nasasangkot ang mga kabataan sa iba’t-ibang krimen.


"Hindi naman umano naaangkop ang naturang batas sa bansang Pilipinas na di kagaya sa Estados Unidos na ang gobyerno ang tumutulong sa mga kabataan" dagdag pa ng alkalde. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento