Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bala nakabaon pa rin sa balikat ng Grade 1 pupil na binaril sa Matalam, North Cotabato

(Mlang, North Cotabato/ June 20, 2014) ---Bagama’t nakalabas na ng ospital hindi pa rin tuluyang magaling ang grade 1 pupil na binaril habang namumulot ng Mangga sakahan sa Purok Azucena, Poblacion, Matalam, Cotabato alas 2:30 ng hapon noong buwan ng Mayo.

Ayon kay M’lang Liason Officer on Health Emmy Malinao na inako nan g Pamahalaang Lokal ng Mlang ang gastusin sa pagpapa-ospital sa biktimang kinilalang si John Mark Mabitasan.

Ayon sa kanyang doktor ay di pa rin nakakalakad ang biktima dahil nakabaon pa rin sa balikat nito ang ilang bahagi ng bala na tumama kay John Mark.

Ang biktima ay anak ng isang empleyado ng Direk Wood Enterprises at residente ng Brgy. New Rizal, Mlang kasama ng kanyang apat na kaibigan ay namumulot ng mga bunga ng manga ng sila ay barilin sa manggahan na pag-mamay-ari ng isang Jose Alejo.

Sa ngayon, napag-usapan ng pamilya Mabitasan na sampahan ng kaso ang anak ng may-ari ng manggahang pag-aari ng pamilya Alejo. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento