(Kabacan, North Cotabato/ June 20, 2014) ---Na-stranded
ang ilang mga pasahero ng Rural Transit Bus matapos na mahuli ng Land
Transportation Regional Office 12 kasama ang pinagsanib na pwersa ng Kabacan
Traffic Management Unit at Kabacan PNP sa isinagawang kampanya kontra kolurom
sa pangunahing kalye ng Kabacan, kahapon.
Sa panayam ng DXVL News sa Drayber ng Bus na
pansamantalang pinatigil ang biyahe ng isang unit ng bus na minamaneho nito
makaraang makitaan ng paglabag.
Kabilang sa nilabag ng naturang bus ay
pagbiyahe na sira ang wind shield at hindi pag-comply ng ilang kaukulang
dukomento.
Sinabi ni Kabacan LTO OIC Ansary Sumpingan
na bukod sa nasabing bus abot naman sa 28 mga motorsiklo ang kanilang nahuli
dahil sa iba’t-ibang paglabag sa batas trapiko kungsaan ilan sa mga nasabing
motorsiklo ay naka-impound pa rin sa harap ng LTO Kabacan.
Buong araw na nagsagawa ng paglambat ang mga
LTO sa pangunahing kalye ng Kabacan kahapon at ngayong araw naman ito gagawin
sa Kidapawan City.
Inaasahang marami pa ang masasampolan ng
nasabing batas.
Ang Joint Administrative Order (JAO) ng
LTFRB, LTO at DOTC na ipinapatupad simula kahapon ay hindi para disiplinahin
ang mga tsuper at operator kundi target lang na lumikha ng additional revenue
para sa gobyerno.
Sa ilalim ng JAO, P1 milyon ang multa sa mga
kolorum na bus, P250,000 sa taxi, P200,000 sa trak, P200,000 sa van, P120,000
sa sedan, P50,000 sa jeep at P6,000 sa mga motorsiklo.
Mai-impound din ang kanilang mga sasakyan ng
3 buwan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento