Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Parak, nag-suicide!

(Cotabato city/ June 17, 2014) ---Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 34-anyos na police matapos barilin ang kanyang sarili sa loob ng comfort room sa Cotabato airport kahapon ng umaga.

Kinilala ni Police Senior Inspector Eugene Balugo ang biktima na si Police Officer 1 Richard Batulio Cruz residente ng Bukana, Cotabato City.


Ayon kay Balugo nakatalaga bilang police si Cruz sa General Santos City airport at kahapon alas sais ng gabi lamang dumating sa lungsod at dumiretso na sa Cotabato airport.

Hindi pa mabatid kung ano nga ba ang pinagdadaanan ng biktima dahil matapos makasama ang kanyang kapatid na babae nagkulong na sa comfort room simula alas 2:00 ng madaling araw.

Sinabi ni Balugo na nakausap pa niya si Cruz peru parang malabo na ang tinig nito.

Paliwanag ng opisyal, hindi na nila ginawang sirain ang pinto ng CR dahil hindi naman nila alam na magpapakamatay ang biktima.

Pasado alas 7:00 ng umaga ng barilin ni Richard ang kanyang sarili na ayon sa report ng SOCO nasa kaliwang bahagi ng kanyang ulo ang tama nito at naiwan pa sa loob ang bala na ginamit nito.


Sa ngayon patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insedente habang kinukunan naman ng mga impormasyon ang kanyang pamilya sa posibleng dahilan ng pagpapakamatay ng biktima. Krezel Dianne Sampani DXVL News

0 comments:

Mag-post ng isang Komento