(Arakan, North Cotabato/ June 20, 2014) ---May
35 mahihirap na pamilya sa bayan ng Arakan sa North Cotabato ang nawalan ng
tirahan matapos matamaan ng landslide ang kanilang gma bahay nitong Miyerkules.
Ayon kay Arakan Mayor Rene Rubino, limang
bahay sa Barangay Napaliko ang natabunan ng lupa matapos ang landslide dulot na
rin ng malalakas na pag-ulan nitong mga nakalipas na dalawang araw.
Swerte naman na walang nasaktan o namatay sa
insidente, ani Rubino.
Samantala, nagpadala na si North Cotabato
Gov. Emmylou Taliño-Mendoza ng mga tauhan mula sa provincial government upang
bigyan ng karampatang ayuda ang mga nasalanta ng landslide.
Nagpadala na rin ng mga relief goods ang
provincial government para sa 35 pamilya.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento