Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tricycle Drayber na umano’y di maganda ang trato sa isang pasahero, ipinatawag ng TMU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 18, 2014) ---Agad na-trace ng Kabacan Traffic Management Unit ang tricycle driver na diumano’y di maganda ang trato nito sa isang pasahero.

Ito ayon kay Kabacan TMU Head Ret. Col. Antonio Peralta sa panayam sa kanya ng DXVL News.
Batay kasi sa ipinadalang sumbong ng isang pasahero, hindi umano inihatid mismo sa kanyang paroroonan ang biktima kahit pa nagbayad ito ng doble.

Naging arogante pa raw ang nasabing tricycle drayber.

Sinabi ni Peralta na agad nilang na-trace ang body number ng nasabing tricycle at dito nalaman na ito ay pag-mamay ari ng isang Roger Peralta.

Iginiit ni TMU Head Peralta na kahit pa man kanyang kamag-anak ito dapat pa rin na mabigyan na leksiyon ang nasabing drayber.

Kaya ipinatawag ito kahapon sa opisina na alkalde at sinabihan na wag na itong ulitan pa.

Posibleng makakansela ang kanyang prankisa at magbabayad ng kaukulang penalidad.


Maliban dito, reklamo din ng ilang mga pananakay ang pamimili ng pasahero ng ilang mga tricycle draybers at ang paniningil ng sobra-sobra bukod pa sa hindi rin paghahatid sa mismong paroroonan ng mga pasahero. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento