(Kabacan, North Cotabato/ June 20, 2014) ---Pasado
na sa pangatlo at huling pagbasa sa Sangguniang Bayan ang planung pag-utang ng
Pamahalaang Lokal ng Kabacan ng abot sa P75M para sa heavy equipment.
Ito ayon kay Secretary to the Sangguniang
Bayan Beatriz Maderas matapos na maisalang na ang nasabing panukala sa
matinding deliberasyon at diskusyon sa Sangguniang bayan kahapon.
Ang nasabing halaga ng pera ay uutangin ng
LGU Kabacan sa Land Bank of the Philippines at
ibibili ng mga heavy equipment sa TKC Heavy Industries Corporation mula
sa Cebu City.
Matatandaan na hindi pa man naipasa ang
nasabing resolusyon ay binatikos na ang malaking halaga na uutangin ng LGU.
Depensa naman ni Mayor Herlo Guzman Jr., na
sa pamamagitan ng pagbili ng mga heavy equipment, malaking tulong ito para
mapaayos ang farm to market road sa bayan at malaking tulong ito lalo na sa mga
mag-sasaka.
Aniya,ang layunin na mag-invest ng heavy
equipment ay malaki ang maitulong nito hindi lamang sa local government unit
kundi pati sa lahat ng mamamayan lalong-lalo na sa mga magsasaka.
Dagdag pa nito, nagkaroon sila ng
eksaminasyon sa mga irrigators association, at sa ibang sector upang malaman
ang pangangailangan ng bayan ng Kabacan. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento