Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Presyo ng Bigas sa Kabacan, naka-amba na ring tumaas

(Kabacan, North Cotabato/ June 16, 2014) ---Nakaamba na ring tumaas ang presyo ng bigas sa Kabacan, Cotabato kasunod ng naging pahayag ng  National Food Authority (NFA) sa pamamagitan ni NFA Director for Public Affairs Rex Estoperez, dahil sa pagpasok ng lean months ng ating bansa ngayong Hunyo.

Sa pagtutok naman ng DXVL News sa pamilihang bayan ng Kabacan, sinabi ng mga nagbebenta ng bigas na nasa sampung piso ang itinaas sa presyo ng kada sako ng bigas ngayon.

Bunsod umano ito ng pagtaas din ng milling fee at dahil na rin sa hindi pa anihan sa ngayon.

Nagyon pumapalo na sa mahigit P1,900.00 ang halaga ng kada sakong RC-18, KAWILAN, V-55, MATATAG at M-3 na tumaas ng sampung piso  ngayong linggo. Sa kabila nito, nananatili pa rin sa 40 ang bentahan sa kada kilo nito.

Ang V-64 naman na dating P1,940 kada sako ay sampung piso rin ang itinaas. Ibig sabihin sa ngayon, naglalaro ang presyo nito sa P41.00  bawat kilo.

Samantala,  ang presyo naman ng Masipag na nasa P1, 800 kada sako noong nakaraang linggo, ngayon ay nasa dalawang libo na at nasa 42 pesos kada kilo.

Bagamat at wala pang gaanong Peru pag maubos na umano  ang mga ito ay sa mga susunod na araw ay aasahang  tataas ng isang piso ang bawat presyo ng bigas ditto sa bayan ng kabacan. Allan Dalo with report from Cynthia Lumogda


0 comments:

Mag-post ng isang Komento