Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Preventive Maintenance, isasagawa sa Munubuan Substation ng Cotelco; 12 oras na brownout aasahan ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ June 19, 2014) ---Magsisimula ngayong alas 6:00 ng umaga hanggang mamayang alas 6:00 ng gabi ang ipapatupad na power interruption ng Cotabato electric Cooperative o Cotelco sa ilang service area nito.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Cotelco Spokesperson Vincent Baguio dahil sa may gagawing pag-aayos ang Cotelco at National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa linya ng kuryente.


Liban dito ay may gagawin din kasing preventive maintenance ang Cotelco sa Manubuan Substation M1 kaya magpapatupad ng shutdown ng abot sa 12 oras ngayong araw.

Kabilang sa mga lugar na mawalan ng supply ng kuryente ngayong araw ay ang Matalam, bahagi ng Mlang partikular na ang Bialong, Amas, Kabacan, Carmen at Banisilan.

Tiniyak naman ni Baguio na kanilang agad na ibabalik ang supply ng kuryente matapos ang nasabing pagkukumpuni. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento