Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pangmatagalang solusyon sa power supply dapat; i-work out ng gobyerno –Kabacan chamber of Commerce


(Kabacan, North Cotabato/ May 24, 2013) ---Iginiit ngayon ng Kabacan Chamber of Commerce na bigyang pansin ang matagalang solusyon sa kuryente.

Ito ang sinabi kahapon ni Vice Pres for Kabacan Chamber of Commerce Elizabeth Navarro sa isinagawang press conference hinggil sa naging epekto ng mga serye ng pagsabog sa kalakaran ng negosyo sa Kabacan.

Ilang mga BEI’s na nag serve noong nakaraang eleksiyon; di pa nakatanggap ng kanilang mga honorarium; comelec Kabacan, nagpaliwanag


(Kabacan, North Cotabato/ May 24, 2013) ---Ipinaliwanag ngayong umaga ni Kabacan election Officer Josephine Macapas kung bakit nagkabaalam o natagalan ang pagbibigay ng honorarium sa ilang mga Board of election Inspector o BEI.
Aniya, una ng nagbigay kasi ng listahan ang Department of Education o DepEd sa Comelec ilang araw bago ang eleksiyon.

2 Patay, 2 sugatan sa nangyaring pag-atake sa isang Subdivision sa Kidapawan City


(Kidapawan City/ May 23, 2013) ---Patay ang mag-asawang may ari ng isang hardware habang sugatan naman ang dalawang trabahante nito makaraang ratratin ang mga ito ng mga di pa nakilalang mga suspek sa loob ng kanilang pamamahay sa isang Subdivision sa Kidapawan City alas 10:30 kagabi.

Kinilala ni Supt. Chino Mamburam, hepe ng Kidapawan City PNP ang mga biktima na sina Gina Bayhon, may bahay ng dating military Officer habang patay din ang ka-live in nito na may-ari ng Donamae Hardware na si Kenneth Gelloriza.

Kabacan ambassadress for Peace Luz Tan; itinangging may kinalaman sa pagkamatay ni Vice Mayor Pol Dulay


(Kabacan, North Cotabato/May 23, 2013) ---Mariing itinanggi ngayon ni Kabacan Ambassadress for Peace Luzviminda Tan na may kinalaman siya sa pagpaslang sa namayapang bise alkalde ng Bayan na si Policronio Dulay.

Ito ang inihayag ng Unang Ginang sa isang press conference na isinagawa kahapon sa Municipal Hall para matuldukan na ang mga haka-haka na siya umano ang mastermind sa Dulay’s Killing.

Mga evacuees; unti-unti na umanong nagkakasakit


(Kabacan, North Cotabato/ May 23, 2013) ---Unti-unti na umanong nagkakasakit ngayon ang ilang mga evacuees buhat sa brgy. Sanggadong sakop ng bayan ng Kabacan matapos na nagsilikas ang karamihan sa mga residente doon simula pa nitong nakaraang gabi.

Ito ang nabatid mula kay Health Emergency and Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon batay naman sa mga report na kanilang natanggap mula sa erya.

6 na mga sasakyan, kinarnap ng mga NPA sa Makilala, North Cotabato



(Makilala, North Cotabato/ May 23, 2013) ---Pinalaya ngayon ng mga pinaniniwalaang mga New People’s Army o NPA ang anim na mga driver’s ng mga nirentahang mga sasakyan na umano’y kinarnap at ginamit ng mga rebelde sa isinagawa nilang raid sa isang security agency sa Tagum City, Davao Oriental, kamakalawa.

Pagbaril sa Mayoralty Candidate sa Kabacan; walang katotohanan ayon kay Mayor-elect Herlo Guzman, Jr.


(Kabacan, North Cotabato/ May 23, 2013) ---Pinasinungalingan ni Mayor-elect Herlo Guzman Jr., ang mga kumakalat na mga bali-balitang, binaril umano siya.

Mismong ang opisyal ang tumawag sa himpilan ng DXVL na sinabing siya ay buhay.

Cotabato Gov. Elect Mendoza, itinanggi ang alegasyon na 2 bayan lang ang kanyang napanalunan


(Kabacan, North Cotabato/ May 23, 2013) ---Itinanggi ni Cotabato governor-elect Lala Talino-Mendoza ang umanoy’ alegasyon sa kanya ng kanyang katunggali na si gubernatorial candidate Manny Pinol na ang incumbent governor ay nanalo lamang sa dalawang bayan sa probinsiya.

Batay sa data ng Comelec si Mendoza ay nakakuha ng 254,121 votes kumpara kay Pinol na may 203,657 kungsaan abot sa 50,464 votes ang lamang ng una.

Anti-Criminality campaign plan; dapat ipatupad sa Kabacan -PNP


(Kabacan, North Cotabato/ May 22, 2013) ---Pinalalakas ngayon ng Kabacan PNP ang kanilang intelligence gathering matapos ang sunod-sunod na pagsabog sa bayan.

Ayon kay Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP may deriktiba na ngayon sa kanila ang higher headquarters na ipatupad ang anti-criminality campaign plan ng PNP.

Anak ng Radio Announcer sa Kidapawan city, nakuryente; patay


(Kidapawan city/ May 22, 2013) ---Patay ang 40-anyos na anak ng radio broadkaster makaraang makuryente sa harap ng istasyon ng Radyo sa Kidapawan city alas 10:20 ng umaga noong (May 21, 2013).

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marlon Gonzales, 40 anyos, may asawa at anak ni Romulo Gonzales, anchorman ng programang Debate tuwing alas 7 hanggang alas 8:00 ng umaga sa 90.3 Charm Radio.

7 taong gulang na bata, nalunod sa Pulangi river sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ May 22, 2013) ---Patuloy pa ngayong pinaghahanap ng kanyang kamag-anak ang pitong taong gulang na bata makaraang malunod ito noong Lunes ng tanghali sa may Pulangi river na nasa Sitio Lumayong, Kayaga, Kabacan, Cotabato.

Kinilala ni Javar Abdullah Aban, 28, ang biktimang bata na si Jun-jun Mangandili, tubong Lumayong.
Batay sa report, kasama ng biktima ang kanyang kuya na kinilalang si Jun Jovert ng naliligo ang mga ito sa nasabing ilog.

Kabacan PNP, naghigpit ng seguridad dahil sa pambobomba sa bayan


(Kabacan, North Cotabato/ May 21, 2013) ---Matapos na muling ginulantang ng malakas na pagsabog ang bayan ng Kabacan nitong linggo ng gabi, naghigpit ngayon ng seguridad ang Kabacan PNP hinggil sa mga pambobomba sa bayan.

Isang linggo matapos ang naganap na halalan at naiproklama ang  mga bagong halal na opisyal.

Mga bagong halal na opisyal ng Kabacan, naiproklama na


(Kabacan, North Cotabato/ May 21, 2013) ---Bagama’t di sumipot sina Mayor-elect Herlo Guzman, Jr. at Vice Mayor-elect Myra Dulay, noong madaling araw ng Sabado sa kanilang proklamasyon, iginiit naman ng Comelec Kabacan na sila na ang opisyal na mga nanalo sa katatapos na halalan.

Ayon kay Kabacan Election Officer Josephine Macapas, naiproklama na ng Municipal Board of Canvassers ang mga bagong opisyal ng Kabacan na naihalal sa pwesto.

Kick off Activity ng Brigada Eskwela, isinagawa sa Matalam National High School


(Matalam, North Cotabato/ May 21, 2013) ---Pormal ng nagsimula ang ang Brigada Eskwela sa probinsiya ng North Cotabato kahapon ng umaga.

Sa eksklusibong panayam ng DXVL News kay Kabacan Pilot Central Elementary School Principal Annie Roliga isinagawa ang Kick off activity sa Matalam National High School.

Maguindanao, nakaalerto laban sa mga pambobomba


(Datu Montawal, Maguindanao/ May 21, 2013) ---Nananatiling naka-alerto ngayon ang mga otoridad sa probinsiya ng Maguindanao isang linggo matapos ang halalan.

Ito makaraang hindi pa rin ligtas ang probinsiya sa mga pambobomba.

44-anyos na magsasaka, patay sa pamamaril sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ May 20, 2013) ---Dead on Arrival sa ospital ang isang 44 na taong gulang na lalaki makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa may National Highway, partikular sa harap ng Sea Oil Gasoline Station, Poblacion, Matalam, Cotabato alas 11:25 kagabi.

Kinilala ni SP01 Froilan Gravidez ng Matalam PNP ang biktima na si Marlon Canuto, may asawa, magsasaka at resident eng brgy. New Alimodian ng nabanggit na bayan.

Breaking NEWS: IED sumabog sa kabacan, North Cotabato; ngayong gabi lamang!


(Kabacan, North Cotabato/May 19, 2013) ---Ginulantang ng malakas na pagsabog ang bayan ng Kabacan, North Cotabato ngayong gabi lamang.

Ayon sa Kabacan PNP, isang Improvised Explosive Device o IED ang sumabog sa may Aglipay St., partikular sa harap ng Pacifica Agrivet Supply tabi lamang ng Dalton Pawnshop, Poblacion ng bayang ito alas 7:45 ngayong gabi.