(Kabacan, North Cotabato/ May 23, 2013) ---Itinanggi ni Cotabato governor-elect Lala Talino-Mendoza
ang umanoy’ alegasyon sa kanya ng kanyang katunggali na si gubernatorial
candidate Manny Pinol na ang incumbent governor ay nanalo lamang sa dalawang
bayan sa probinsiya.
Batay sa data
ng Comelec si Mendoza ay nakakuha ng 254,121 votes kumpara kay Pinol na may
203,657 kungsaan abot sa 50,464 votes ang lamang ng una.
Inihayag ni
Mendoza na ang kanyang mga boto ay mula sa 11 mga bayan ng Aleosan, Arakan,
Banisilan, Carmen, Kabacan, Libungan, Magpet, Midsayap, Pigcawayan, Pikit at President
Roxas.
Ito ang
iginiit ng opisyal sa naunang pahayag ni dating Governor Manny Piñol na
dalawang bayan lamang sa North Cotabato nanalo si Mendoza, ito ang bayan ng
Carmen at ang bayan ng Pikit.
Nagsampa ng petisyon si Piñol sa Cotabato Provincial Board
of Canvassers na wag munang isali ang nabanggit na bayan dahil sa umano’y
napakataas na turn-out ng mga botante na bagay namang ibinasura ng Provincial
Board of Canvassers ang nasabing petisyon. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento