Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Anti-Criminality campaign plan; dapat ipatupad sa Kabacan -PNP


(Kabacan, North Cotabato/ May 22, 2013) ---Pinalalakas ngayon ng Kabacan PNP ang kanilang intelligence gathering matapos ang sunod-sunod na pagsabog sa bayan.

Ayon kay Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP may deriktiba na ngayon sa kanila ang higher headquarters na ipatupad ang anti-criminality campaign plan ng PNP.

Bagama’t may sinusundan ng lead angmga otoridad kung sinu ang suspek sa nasabing pagpapasabog, itinanggi muna ng opisyal na kilalanin kung anung grupo ang nasa likod ng pambobomba habang nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon.

Maliban dito, itinanggi rin ni Ajero ang mga lumalabas na report na ito umano ay kagagawan ng mga taga-suporta ng talunang kandidato dahil wala pa silang konkretong ebedensiya na magpapatunay.

Sa ngayon naka full force ang deployment ng mga pulisya at military sa bawat sulok ng Kabacan para tiyakin ang seguridad ng mamamayan, dagdag pa ni Ajero. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento