Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

44-anyos na magsasaka, patay sa pamamaril sa Matalam, North Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ May 20, 2013) ---Dead on Arrival sa ospital ang isang 44 na taong gulang na lalaki makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa may National Highway, partikular sa harap ng Sea Oil Gasoline Station, Poblacion, Matalam, Cotabato alas 11:25 kagabi.

Kinilala ni SP01 Froilan Gravidez ng Matalam PNP ang biktima na si Marlon Canuto, may asawa, magsasaka at resident eng brgy. New Alimodian ng nabanggit na bayan.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, binabaybay ni Canuto ang National Highway sakay sa kanyang kulay asul na 100 Kawasaki walang plate number lulan ang backrider na kinilalang si Larry Sosmeña Jr., residente ng Tuscano St., Poblacion, Matalam.

Pagdating sa nabanggit na lugar ay pinaulan ang mga ito ng bala ng riding in tandem gamit ang di pa matukoy na uri ng armas.

Nagtamo si Canuto ng iba’t-ibang tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito habang minor injury naman ang tinamo ni Sosmeña.

Mabilis na isinugod ang mga sugatan sa pinakamalapit na bahay pagamutan subalit ideneklarang dead on arrival si Canuto ngmga doctor.

Agad namang tumakas papalayo angmga salarin sa di malamang direksiyon.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Matalam PNP kung anu ang motibo sa nasabing pamamaril. (Rhoderick Beñez/09494939462)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento