(Datu Montawal, Maguindanao/ May 21, 2013) ---Nananatiling naka-alerto
ngayon ang mga otoridad sa probinsiya ng Maguindanao isang linggo matapos ang
halalan.
Ito makaraang hindi pa rin ligtas ang probinsiya sa mga pambobomba.
Ito makaraang hindi pa rin ligtas ang probinsiya sa mga pambobomba.
Nitong nakaraang huwebes, dalawang mga malalakas na explosibo ang yumanig sa Barangay Poblacion ng Datu Montawal, Maguindanao alas -11:00 ng gab-i.
Naganap ang nasabing insedente sa bakanteng lote sa likod lamang ng Datu Montawal Municipal Hall.
Maswerte namang walang nasaugatan sa nasabing insidente.
Base sa imbestigasyon ng mga pulisya, pinasabog sa lugar ang isang M-79 grenade.
Una dito, ilan umanong mga armadong grupo ang nakita sa paligid ng municipal hall bago ang insedente. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento