(Kabacan, North Cotabato/ May 21, 2013) ---Matapos
na muling ginulantang ng malakas na pagsabog ang bayan ng Kabacan nitong linggo
ng gabi, naghigpit ngayon ng seguridad ang Kabacan PNP hinggil sa mga
pambobomba sa bayan.
Isang linggo matapos ang naganap na halalan
at naiproklama ang mga bagong halal na
opisyal.
Bagama’t ayon kay Supt. Leo Ajero, hepe ng
Kabacan PNP na ang peace and order ay everybody’s concern, sinabi din nitong
ireport agad sa kanila ang mga kaduda-dugang bagay o tao sa paligid.
Ginawa ng opisyal ang pahayag, isang araw
matapos na muling sumambulat ang 40mm launcher grenade sa harap ng isang
agricultural supply sa Aglipay St., Poblacion ng bayan.
Aniya, di pa nila batid kung anung grupo at
sinu ang suspek sa nasabing pagpasabog sa bayan.
Sa ngayon may mga tinitingnan ng signature
style ang PNP at may sinusundan ng lead sa panibagong pananabotahe sa Kabacan.
Sa ngayon nagdeploy na dagdag na tropa ang
pulisya at mas pinalakas pa ang roving patrol at police visibility sa mga
matataong lugar.
Sa ngayon naglagay na rin ng CCTV ang
pulisya sa mga crime prone area ng Kabacan partikular sa mga pangunahing kalye
ng Poblacion para agad na mahagid ng camera ang mga responsable sa anumang
krimen. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento