(Kabacan, North Cotabato/May 19, 2013) ---Ginulantang
ng malakas na pagsabog ang bayan ng Kabacan, North Cotabato ngayong gabi lamang.
Ayon sa Kabacan PNP, isang Improvised Explosive
Device o IED ang sumabog sa may Aglipay St., partikular sa harap ng Pacifica
Agrivet Supply tabi lamang ng Dalton Pawnshop, Poblacion ng bayang ito alas
7:45 ngayong gabi.
Sa panayam kay P/Insp. Tirso Pascual ng
Kabacan PNP, wala namang may naiulat na nasawi sa nasabing pagsabog maliban na
lamang sa kasiraang idinulot ng nasabing pambobomba.
Nabasag ang ilang mga salamin ng
establisiemento at debris ng semento.
Agad namang kinordon ang lugar kungsaan
nangyari ang pagsabog sa tulong na rin ng EOD team.
Di pa mabatid ng pulisya kung anu ang motibo
ng panibagong pagsabog habang nagpapatuloy pa ang nasabing imbestigasyon.
Ito na ang ikaapat na pagsabog sa bayan sa
loob lamang ng isang linggo.
Ang pinakahuli ay ang panghahagis ng granada
sa may Malvar St. kungsaan patay ang 7 buwang sanggol na babae at ikinasugat ng
ina natong si Suhaina Eliarda.
At ang nangyaring pagsabog sa Kabacan Pilot
Central elementary School.
Ang nasabing pangyayari ay una ng itinanggi
ni Kabacan Mayor George Tan na wala siyang kinalaman at sa halip kanyang
sinabihan ang mga kriminal na tigilan na ang panggugulo sa bayan na walang
maidudulot na maganda sa umuunlad at umuusbong na Kabacan. (Rhoderick Beñez)
we always dream & pray that people of Kabacan could enjoy a very peaceful life,if not now.....we hope soon,....The new administration may find more budget for peace and order,may think of a better or more comprehensive way of fighting violence in all forms....
TumugonBurahin