(Matalam,
North Cotabato/ May 17, 2013) ----Sugatan ang dalawang miyembro ng Moro Islamic
Liberation Front (MILF) makaraang sumiklab ang bakbakan ng dalawang naglalabang
grupong Moro National Liberation Front (MNLF) sa Brgy. Marbel, Matalam, North
Cotabato alas 6:20 ng umaga kahapon.
Ayon kay 602nd Brigade Spokesman Captain Antonio Bulao ang mga
sugatang rebelde ay isinugod ng mga rumesponding mga sundalo sa Cotabato
Provincial Hospital, Amas Complex, Kidapawan city para mabigyan ng medikal na
atensiyon.
Ang
panibagong labanan ay muling sumiklab tatlong araw matapos napagkasunduan ng
dalawang grupo ang tigil-putukan.
Sinabi ni Sr. Insp. Elias Dandan, hepe ng
Matalam PNP isinagawa ang dayalogo sa dalawang naglalabang grupo sa brgy.
Marbel na pinangunahan ng International Monitoring Team (IMT) at ng Committee
on the Cessation of Hostilities (CCCH) ng GPH-MILF.
Ayon sa opisyal kapwa nakipag-ayos ang dalawang grupo at tiniyak na makiisa sa
nagdaang halalan ayon kay Dandan na siya amang ginawa ni Commander Datu Dima
Ambil ng MNLF Sebangan Kutawato State Revolutionary Committee sa IMT at CCCH.
Sa
katunayan mahigit sa dalawang daang mga displaced families ang bumuto noong
nakaraang halalan, ayon sa report ni Brig. Gen. Ademar Tomaro, commander ng Army’s
602nd Brigade.
Dahil dito, nagpalabas ngayon ng deriktiba ang opisyal ng karagdagang pwersa sa
lugar para tiyakin ang seguridad sa paligid at di maipit ang mga residente sa
nagpapatuloy na sagupaan ng dalawang naglalabang grupo. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento