(Midsayap, North Cotabato/ May 16, 2013) ---Landslide
ang pagkakapanalo ni Jesus Sacdalan bilang kinatawan ng Unang Distrito ng North
Cotabato.
Umabot sa 109, 987 votes ang nakuha ni
Sacdalan na napakalayo kung ikukumpara sa mga katunggali nito.
Nakakuha lamang ng 27,043 votes si Anthony
Dequiá¹…a at 18,692 votes naman si Fernando Sacdalan.
Nitong alas-10:30 ng umaga ay pormal nang
iprinoklama ng Provincial Board of Election Canvassers ng COMELEC- North
Cotabato si Rep. Jesus Sacdalan.
Nagdiriwang naman ngayon ang mga supporters
ng nanalong kongresista dahil sa napalaking turn- out of votes mula sa mga
botante ng PPALMA.
Sa panayam ng SANDALAN news team kay
re-elected Rep. Sacdalan ay lubos ang pasasalamat nito sa mga mamamayan ng
North Cotabato dahil sa patuloy na pagsuporta at pagtitiwala na muling ibinigay
sa kanya.
Ipagpapatuloy
umano nito ang mga nasimulang proyekto at programa na nakasentro sa kapayapaan
at kaunlaran ng distrito.
Inihayag
din ng opisyal na sisikapin niyang magkaroon ng mahabaang solusyon sa problema
ng krisis sa kuryente sa PPALMA.
Ang 1st
District of North Cotabato o PPALMA ay binubuo ng mga bayan ng Pigcawayan,
Pikit, Alamada, Libungan, Midsayap, at Aleosan. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento