(Kabacan, North Cotbato/ May 16,
2013) ---Mariing itinanggi ngayon ni Kabacan Mayor George Tan na may kinalaman
siya sa pagkakabalam ng proklamasyon ng mga winning candidates sa bayan ng
Kabacan.
Aniya, walang katotohanan ang
mga kumakalat na report na siya umano ang nasa likod kung bakit natagalan ang
proklamasyon ng Comelec sa mga bagong halal na kandidato.
Una ng sinabi ng Comelec Kabacan
na nagkaroon ng aberya sa Compact Flash cards sa ilang mga PCOS Machine bagay
na naantala ang transmission ng resulta sa Municipal Board of Canvassing.
Ayon kay Tan, maluwag nitong
tatanggapin ang kanynag pagkatalo at sa halip ay pinasalamatan nito ang
mamamayan ng Kabacan at ang mga nagsuporta sa kanyang liderato.
Dagdag pa nito, na matiwasay
siyang bababa sa pwesto kungsaan una niya na itong pinaghandaan at mali angmga
haka-hakang hindi umano nito tanggap ang kanyang pagkatalo.
Iginiit pa nito na sa larangan
ng pulitika walang permanente kungsaan magsilbi lamang siya hanggang sa
nagustuhan siya ng kanyang mga kababayan.
Kung ito ang magiging hatol ng
taongbayan at kagustuhan ng Diyos maluwag sa dibdib nitong tinatanggap, dagdag
pa ni Tan.
Samantala, inaasahan na ngayong araw na
maiproklama ang mga bagong halal na opisyal ng Kabacan.
Naantala ang canvassing sa dalawng mga PCOS
dahil sa nagkaroon ng aberya o problema sa CF Cards. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento