(Kabacan, North Cotabato/ May
16, 2013) ---Inihatid na sa kanyang huling hantungan kahapon ang pitong buwang
sanggol na babae makaraang masabugan ng granada ang kanilang bahay sa may
Malvar St., ng Poblacion, Kabacan, partikular sa likod ng Anulao Hospital
alas-2:45 ng madaling araw kahapon.
Kinilala
ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP, ang nasawi na si Chelzy Jaye Eliarda,
habang ang sugatan ay ang ina ng bata na si Suhaina, 33.
Nagtamo
ng sugat sa ulo ang sanggol na ikinamatay nito habang sugatan naman sa braso si
Suhaina.
Sa
ngayon nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad kung anu ang
motibo sa paghahagis ng garnada sa bahay ng biktima, dahil ayon kay Suhaina
wala namang silang atraso sa mga tao at hindi rin sila sangkot sa pulitika.
Ang
grenade blast sa Malvar St., kahapon ng madaling araw ay pangatlo na sa bayan
ng Kabacan, simula noong Linggo.
Bandang
alas-11:30 ng gabi noong Linggo, isang granada ang pinasabog sa harap ng
Kabacan Central Pilot Elementary School, isa sa pinakamalaking voting centers
sa Poblacion ng Kabacan.
Sinundan
ito ng isa pang pagsabog, bandang alas-4 ng umaga, noong Lunes, tatlong oras
bago magbukas ang mga presinto, sa mismo ring eskwelahan.
Itinanggi
ni Mayor George Tan na may kinalaman siya sa mga pangyayari.
Bagama’t
talo siya sa nakaraang botohan, taos-sa-puso naman niya’ng tinanggap ang
kabiguan.
Kaugnay
nito, nanawagan si Tan sa mga taong nasa likod ng pagpapasabog na itigil na ang
paghahasik ng kaguluhan sa bayan niya at tanggapin na rin ang pagkatalo katulad
ng kanyang ginawa. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento