(Midsayap,
North Cotabato/ May 16, 2013) ---Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Irrigation
Week at ika-50 anibersaryo ng National Irrigation Administration o NIA ay
magtatanim ng abot sa isanlibong fruit-bearing trees ang mga kawani ng NIA-12.
Gagawin
ang simultaneous tree growing activity sa darating na a-7 ng Hunyo ng kasalukuyang
taon.
Kaugnay
nito ay nagpadala na ng sulat si NIA-12 Acting Regional Manager Engr. Mario
Sande na humihiling sa tanggapan ni Rep. Jesus Sacdalan na mabahagian ng mga
pananim.
Umaasa
ang NIA na magiging positibo ang aksyon ni Rep. Sacdalan dahil isa ito sa mga
nagsusulong ng seedlings distribution at tree growing initiatives sa distrito
uno.
Kasama
sa malawakang pagtatanim ng punongkahoy ang Libungan River Irrigation System o
LibRIS partikular ang mga kasapi ng Midsayap-Pigcawayan-Libungan-Kabuntalan o
MPLK Federation of Irrigators Associations.
Nabatid na aakyatin ng NIA 12 personnel at
mga irrigators ang kabundukan ng Alamada upang doon itanim ang semilya ng
fruit-bearing trees.
Kung matatandaan, taong 2011 nang simulang
ilunsad ng MPLK ang Sagip-Tubig, Tubig ay Buhay movement na naglalayong taniman
ng punongkahoy ang erya na nasasakop ng Alamada-Libungan watershed at bilang
pagsuporta na rin sa National Greening Program ng pamahalaan. (Rhoderick
Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento