Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mayor George Tan, nag concede na, maluwag na tinanggap ang resulta ng botohan; pag granada sa bayan, itinangging may kinalaman ang opisyal


(Kabacan, North Cotabato/ May 16, 2013) ---Maluwag na tatanggapin ni Kabacan Mayor George Tan ang magiging hatol ng bayan sa katatapos na eleksiyon.

Ito ang naging pahayag ng punong ehekutibo sa eksklusibong panayam ng DXVL News ngayong umaga.

Aniya, hindi man siya pinalad na mailukluk muli sa pwesto, makakaasa umano ang taong bayan na buong puso nitong tatanggapin sampu ng kanyang pamilya ang magiging resulta ng halalan.

Kaugnay nito, ang mga nangyayaring mga pag-granada dito sa bayan ay kinukondena ng opisyal dahil isang masakit na Gawain umano ito ng mga masasamang tao na ang nais ay guluhin ang pamumuhay ngmga Kabakeños.

Nananawagan si Tan sa mga taong gumagawa ng masasama sa bayan na tigilan na ito dahil nakakasira lamang ito sa imahe ng umuunlad at umuusbong na Kabacan.

Dagdag pa niya na nararamdaman umano nito ang tunay na pagmamahal at suporta sa kanya dahil lima sa kanyangmga konsehal ang nakapasok sa bilangan.

Bilang panghuling mensahe ng opisyal, binate nito ang mga bagong halal na opisyal sa munisipyo ng Kabacan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento