Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

7 buwang sanggol, patay sa granada sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ May 15, 2013) ---Patay ang pitong buwang gulang na babae habang sugatan ang kanyang ina nang masabugan ng granada habang natutulog sa loob ng bahay nila sa may Malvar St., ng Poblacion, Kabacan, partikular sa likod ng Anulao Hospital alas-2:45 ng madaling araw kanina.
         
Kinilala ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP, ang nasawi na si Chelzy Jaye Eliarda, habang ang sugatan ay ang ina ng bata na si Suhaina, 33. Sa ulo ang tama ni Chelzy na agad niya’ng ikinamatay, habang sa kanang balikat ang sugat na tinamo ni Suhaina Buisan Eliarda.

         
Ayon kay Suhaina, natutulog sila’ng mag-ina, kasama ang isa pa niya’ng anak na lalaki nang gulantangin ng malakas na pagsabog. Agad niya’ng pinuntahan ang crib ng kanyang anak pero laking gulat niya nang makitang duguan ito.  

Di na raw ito gumagalaw at patay na nang ihatid sa pinakamalapit na ospital. 

Blangko si Suhaina kung sino ang posibleng nasa likod ng pagpapasabog. Wala raw sila’ng kalaban at mas lalo’ng hindi sila nasangkot sa pulitika. 

Ito ang naging pahayag ng mga biktima sa pahayag ni Supt. Ajero sa panayam sa kanyan ng DXVL News.

Una nang lumabas sa imbestigasyon ng Kabacan PNP na posibleng may kinalaman sa katatapos na halalan sa bayan ang mga pagsabog.

Ang grenade blast sa Malvar St., nito’ng Miyerkules ay pangatlo na sa bayan ng Kabacan, simula noong Linggo. Bandang alas-11:30 ng gabi noong Linggo, isang Granada ang pinasabog sa harap ng Kabacan Central Pilot Elementary School, isa sa pinakamalaking voting centers sa Poblacion ng Kabacan. Sinundan ito ng isa pang pagsabog, bandang alas-4 ng umaga, noong Lunes, tatlong oras bago magbukas ang mga presinto, sa mismo ring eskwelahan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento