Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Regional Mass Training sa mga grade 1 teachers; gagawin sa Kabacan para sa paghahanda sa K+12 ng DepEd

(Kabacan, North cotabato/May 11, 2012) ---Gagawin sa Kabacan Pilot Elementary School at USM Annex dito sa bayan ng Kabacan sa May 13-17 ang Mass Training sa lahat ng mga grade 1 teachers sa buong Rehiyon dose.


Ito ayon kay Kabacan Pilot Elementary School Principal Annie Roliga bilang paghahanda ng mga ito sa ipapatupad na K+12 ng Department of Education.

Ayon sa opisyal, dadaan muna sa Preschool o kindergarten ang isang bata bago papasok sa Grade 1.

Sinabi pa nito na madadagdagan ang no. of School year ng mga estudyante sa ilalim ng K+12.

Paliwanag pa ni Roliga na ang ibig sabihin ng K+12 ng DEPED ay anim na taon sa elementarya, apat na taon sa Highschool at ang dagdag na dalawang taon sa Junior High School.

Dagdag pa nito na hindi rin maaring makapag-enroll sa College ang isang estudyante kapag di dumaan sa Junior High School.

Sa Junior High School, ayon kay Roliga, dito huhubugin ang angking galing at talento ng mga bata sa mga technical/vocational courses upang magiging handa ang mga ito sa trabaho sakaling di makapagpatuloy sa kolehiyo ang mga ito. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento