Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Limang mga katutubo sa Magpet, N Cotabato na pinagdudahang mga NPA umangal; humiling sa Army bawiin ang kanilang pahayag

(Magpet, North Cotabato/May 10, 2012) --- Itinanggi ng isang tribal community sa Barangay Kinarum ng Magpet, North Cotabato ang paratang ng Philippine Army na umano lima sa kanilang mga miyembro ay mga rebeldeng New Peoples’ Army o NPA.

         
Reaksyon ito ng tribal leaders sa pahayag ng isang Sgt. Vigo ng 57th IB na nakabase sa Magpet na umano limang mga Manuvu ang aktibo sa kilusang NPA sa kanilang lugar.

         
Tatlo raw sa kanila taga-Sitio Kirundung; isa sa Sitio Angilo; at isa sa Sitio Labuhon.
         
Ginawa ni Sgt. Vigo ang pahayag, isang araw makaraang atakehin sila ng mga rebeldeng NPA noong Sabado.
         
Noong Lunes, tinungo ng tribal leaders ang opisina ni Barangay Kinarum chairman Danilo Lacia para igiit sa Army officer na bawiin nito ang kanyang naging pahayag.
         
Agad na tinungo ni Kapitan Lacia ang detachment ni Sgt. Vigo. Pero wala namang sagot ang Army officer sa panawagan ng mga IP, ayon kay Lacia.

Matibay din ang paniniwala ni Kapitan Lacia na walang NPA na nakatira sa kanyang barangay.
         
NOONG Sabado, bandang alas-10 ng gabi, nilusob ng mga rebeldeng NPA ang outpost ng Army na nasa sentro mismo ng Barangay Kinarum.

Tumagal nang halos 15 minuto ang palitan ng putok.     

Bagama’t walang nasugatan sa panig ng mga sundalo at mga sibilyan, nagdulot naman ito ng pangamba sa mga residente ng lugar, ayon kay Kapitan Lacia. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento