(Kabacan,
North Cotabato/May 9, 2012) ---Simula alas 5:00 kahapon ng hapon ay ginagamit
na ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco ang 8 megawatts na load dispatch
mula sa Therma Marine Inc. o TMI isang private barge na pag-mamay-ari ng
Aboitiz.
Ito
ayon kay Cotelco General Manager Engr. Godofredo Homez bagaman sinabi nitong
walang brown-out sa araw pero aasahan pa rin ang isang oras na power
interruption sa gabi.
Aniya,
gumagawa naman sila ng hakbang para kung di man tuluyang malutas ay maibsan
lamang ang napakahabang brown-out sa North Cotabato.
Ito
matapos na aprubahan ng Energy Regulatory Commission o ERC ang dagdag na 8
megawatts na supply ng kuryente sa Cotelco.
Kung
matatandaan abot sa walong oras na black-out ang nararanasan ng North Cotabato
simula noong buwan ng Abril na ayon sa ilang opisyal ay isang “irony” dahil
mismong ang North Cotabato ay host ng Geothermal Power Plant sa Mt. Apo, ang probinsiya
pa ang mas mahabang power interruption. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento