(Kidapawan City/May 8, 2012) ---Hinimok
ngayon ni Atty. Cromwell Rabaya, isang private counsel ang mga pulitiko sa
North Cotabato na dapat magkaisa para resolba ang problema sa brownout sa
lalawigan sa halip na mag-watak-watak ang mga ito.
Ginawa ng opisyal ang pahayag dahil
sa tingin nito ay nababahiran ng pulitika ang mga pagkilos ng mga pulitiko –
kung usapin sa pagresolba ng krisis sa kuryente ang pag-uusapan.
Ginawang halimbawa ni Rabaya ang tila
paninisi pa ng iba’ng pulitiko sa pagsampa ng kaso noong April 28 ni City
vice-mayor Joseph Evangelista laban sa mga opisyal ng Department of Energy at
ng iba pang power firm executives.
Tingin kasi ng ilang pulitiko, naging
balakid ang naturang kaso sa pagkilos ng DoE para resolbahin ang problema sa
kuryente sa North Cotabato.
Si Rabaya ang isa sa dalawang mga
abogado ni Evangelista na kasamang nagsampa ng civil case o ‘mandamus with
prayer for a preliminary injunction’ kontra sa naturang mga opisyal.
Sa kaso, iginiit ni Evangelista na
mabigyan ng priority load dispatch na 25 percent mula sa mga planta ng
geothermal ang Cotelco.
Ang kahilingang ito ang isa rin sa
iginiit ng grupo ni City Administrator Rodolfo Cabiles, Jr., lider ng conveners
group na, “Nagkakaisang Pinoy Kontra sa Brownout” nang makipagkita sila kay
Energy Secretary Jose Almendras sa kalakhang Maynila, noong May 3.
Payo ni Rabaya, isantabi muna ang
pulitika at pag-isahin ang kanilang pagkilos para may solusyon na ang krisis sa
kuryente sa lalawigan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento