Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Para makuha simpatiya ng mga mamamayan, alak, babae, sugal dapat daw iwasan ng mga sundalo – ayon sa isang mataas na opisyal ng Army sa North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/May 10, 2012) ---Payo ng isang mataas na opisyal ng Philippine Army sa kanyang mga tauhan: Kung nais nila makuha ang simpatiya at suporta ng mga mamamayan, lalo na sa mga lugar na impluwensiyado ng NPA, dapat iwasan nila ang “alak, babae, at sugal.”

           
Ayon kay Captain Ernesto Aguilar, commander ng Bravo Company ng 57th IB, bahagi ng kanilang ‘peace-building activity’ ang paggawa ng mabuti sa kapwa.

Kaya’t ang mga abusadong sundalo wala raw puwang sa kanilang batalyon.
         
Reaksyon ito ni Aguilar sa mga puna na ang presensiya ng mga sundalo sa isang malayong barangay sa bayan ng Magpet, North Cotabato ay nagdulot ng takot at pangamba sa mga mamamayan.
         
Ayon kay Aguilar, kung ang mga sundalo ay gumagawa ng mabuti at tama sa komunidad, magiging matibay ang suporta ng mga residente sa kanila.
         
Ipagtatanggol rin sila ng mga mamamayan kung ang mga sundalo modelo ng kagandahang-asal.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento