(Midsayap, North Cotabato/May 10, 2012) ---Matapos
ang final screening at orientation noong Sabado, May 5 ng taong kasalukuyan sa
CJNS Kapayapaan Hall sa Midsayap, inilabas na ng district office ni North
Cotabato First District Cong. Jesus Sacdalan ang opisyal na listahan ng mga
bagong iskolars nito para sa darating na pagbubukas ng klase sa Hunyo.
Abot sa 40 bagong iskolars ang pumasa sa
ginawang screening upang mapabilang sa education support program ni Cong. Sacdalan
na Edukasyon para sa Kapayaan- Priority Development Assistance Fund Scholarship
Program.
Inaasahang kukuha ng agriculture related
courses sa USM o University of Southern Mindanao sa bayan ng Kabacan, North
Cotabato ang mga pumasang aplikante.
Ayon kay First Congressional District Office
Scholarship Coordinator Nicanor Nanlabi, patuloy ang pakikipag- ugnayan ni
Cong. Sacdalan sa USM dahil naniniwala ito sa kakayahan ng pamantasang hubugin
ang angking kaalaman ng mga iskolars.
Dagdag ng opisyal, prayoridad din umano ang
mga kursong may kaugnayan sa agrikultura dahil nais ng kongresista ng unang
distrito ng Cotabato na magkaroon ng mga iskolar na makapagbibigay kontribusyon
sa ginagawang inisyatibo ng pamahalaan upang makamit ang food self- sufficiency
sa bansa.
Pormal na ring isinumite ang nasabing list
of qualified scholars sa Office of Student Affairs sa USM na siyang gagabay sa
mga iskolars ngayong enrolment period.
Ito na ang second batch ng mga iskolars na
sinusuportahan sa ilalim ng PDAF ni Cong. Sacdalan. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento